2

15.8K 385 89
                                    

ISANG linggo ang nakalipas at mahigit isang milyon na views na rin ang video nina Daphne at Jaxon. Someone uploaded the video and as expected, the video went viral. Ang cute daw kasi at ang dami rin na nagsasabing bagay sila. Kahit tuloy ang pamilya niya ay tinutukso na siya sa nangyari.

"Celebrity na talaga ako!" Tatawa-tawang komento ng kakambal ni Jaxon na si Jayden. Kinuwento nito sa kanya na ilang beses raw nitong napanood ang video.

"Celebrity na ang kamukha mo," Umiling si Jaxon. "Napanood na ba 'yan ni Hailey?"

Tumango ang kakambal. Ngumisi pa ito. "Tuwang-tuwa nga siya. May matino ka na raw na love life,"

Itinaas niya ang kamay. "It's just a silly moment," wika niya at napailing ulit nang may ma-realize. "Shit! Now I know why I have a bad feeling about it,"

Tinaasan siya ng isang kilay ni Jaxon.

"Baka humina na ang kalibre ko sa mga babae dahil baka akalain nila ay girlfriend ko si Daphne,"

Ngumisi si Jayden. "Dapat lang naman na tigilan ka na ng mga babae. Tumatanda na tayo. Magpakatino ka na. Sa ating magkakapatid, ikaw na lang ang wala pang balak lumagay sa tahimik,"

Napangisi si Jaxon. "Well, 'wag mo akong igaya sa inyo. I love the playboy life. Hindi ko talaga makita ang sarili ko na magkakaroon ng seryosong relasyon,"

"Ganyan din ang sinabi ko noon."

"Pareho man tayo ng mukha, pero hindi pa rin talaga tayo totally parehas," Nakangisi pa rin si Jaxon. Lumapad iyon nang may ma-realize ulit. "Anyway, 'di na pala ako dapat mag-alala. May positive side rin naman ang video. Mas makikilala ako. At marami na naman ang ahas ngayon kung iisipin man ng iba na girlfriend ko si Daphne,"

"Ewan ko sa 'yo! Diyan ka na nga. Mas maganda pang kausapin si Hailey kaysa sa 'yo na wala ng sense kausap,"

Mas wala ka ng sense, wika ni Jaxon sa isip. Simula nang magkaroon ng girlfriend ang kakambal niya ay madalas nitong sabihin na wala na siyang sense na kausap. Samantalang dati ay halos sa lahat ng bagay ay nagkakasundo sila.

Nakakasira talaga ng buhay ang lovelife, conclusion ni Jaxon. Dahil lahat ng mga kapatid niya ay may love life na, nakita niya ang malaking pagbabago. Kung dati, kapag walang ginagawa ay lumalabas sila, ngayon ay nahihirapan na siyang magyaya. Paano, madalas rin kasing paglabas na gusto niya ay mga bar. Hindi nagugustuhan iyon ng partner ng mga ito kaya nagdadahilan sa kanya.

But Jaxon have to accept that change is inevitable in life. Hindi niya lang talaga siguro makita na may magbabago sa kanya soon. At least, his love life.

Naiwan si Jaxon sa sala. Pero maya-maya ay may dumating rin naman siyang kasama. Nakangiting nilapitan siya ng Mommy niya. He lives in the same house as his parents. Masaya siya kasama ang pamilya sa iisang bahay kaya kahit kaya naman niya, ayaw pa rin niyang magpaka-independent. At alam rin naman niya na ayaw rin ng mga ito na umalis siya at kahit ang mga kapatid niya. In fact, kahit may apat siyang half brothers sa ina ay welcome na welcome pa rin ang mga ito sa bahay. Itinuring na rin na parang tunay na anak ito ng biological father niya na siyang pinaka-may ari ng bahay. Lahat silang anim na magkakapatid ay may sari-sariling kuwarto sa bahay.

"Hello, Mom. Masaya ka yata,"

"Masaya ako para sa 'yo," wika nito at tinapik ang balikat niya. "May bisita ka,"

Kumunot ang noo ni Jaxon. Wala siyang inaasahan na bisita. Pero bago pa siya makapagsalita ay napanganga siya dahil nasa likod na ng Mommy niya ang "bisita". Nakilala niya ito na ang babaeng kasama niya sa sikat na video---si Daphne.

"Hi, Doc..." Namumula at mukhang nahihiya na wika ng babae. Naka-cast ang inoperahan na kamay nito. But she still manages to look fine. Naka-simpleng summer dress lang ito at nakapusod ang mahaba at itim na buhok. Naka-light make up lang rin ang mala-manika na mukha nito. Kung hindi nga lang dahil sa kamay ay hindi masabing may matinding aksidente itong pinagdaanan ilang araw pa lang ang nakalilipas. She looks so fresh and young.

"Oh, Hi. Napadalaw ka. Upo ka," Inasikaso niya si Daphne.

Sumunod naman ang babae. May ibinigay ito sa kanyang box. "Para sa 'yo pala. Hindi ako ang nag-bake pero sana magustuhan mo,"

Tinignan ni Jaxon ang dala nito. Napangiwi siya nang makitang cupcakes iyon. Hindi siya kumakain ng cupcakes.

"Hindi mo ba gusto?" Nang tignan niya ito ay parang naiiyak ito.

Parang nagpanic ang katawan ni Jaxon. "No. I-I appreciate it. Pero sana ay hindi ka na nag-abala."

"It's okay. I'm glad to visit and give you something. After all, mukhang pinasakit ko yata ang ulo mo."

"Not really. Isang araw lang naman 'yun," Naging Doctor siya ni Daphne pero sa mismong araw lang na inoperahan ito. Nag-sub lang kasi siya sa pinaka-internal medicine Doctor nito. Bukod pa sa resident Doctor pa lang siya. Hindi pa talaga siya puwedeng humawak ng pasyente. He is there to observe and study the cases. Puwede siyang magkaroon ng mismong pasyente pero lahat ng desisyon niya ay aprubado pa rin ng attending physician. Pakatapos rin noon ay hindi na niya nakita pa ang babae. May kailangan kasi siyang attend-an na Doctor conference at ilang araw rin iyon. In fact, kakauwi niya lang ngayon.

"Yeah. But the incident is already viral,"

"That's okay. Cute naman 'di ba?"

Napakurap si Daphne. "You find it cute?"

"Yes. And amusing. How about you?"

Kinagat ni Daphne ang ibabang labi. Yumuko rin ito. Napangiti tuloy si Jaxon. She looked cuter when she do that. "I find it cute, too."

Nawala rin kaagad ang ngiti ni Jaxon. Sa halip ay napakunot noo siya. It was a weird reaction. Ang iniisip niya ay mapapahiya si Daphne. 'Di ba nga at inisip niya na baka hindi na ulit siya nito gustong makita ulit kapag nalaman nito ang ginawa habang wala sa sarili?

"Really?"

Tumango ito pagkatapos ay nagtaas ng tingin. Sinalubong nito ang mga mata niya. Napakurap si Jaxon. Parang bigla kasing lumikot ang puso niya. Gusto niya tuloy ilihis ang mata niya. But somehow, he can't. Parang gusto rin kasi niya ang surprise emotion.

"And I find you cute, Doc Jaxon..."

"Naka-anaesthesia ka pa rin yata, Daphne." Tatawa-tawa na lang na wika ni Jaxon.

"No. Seryoso ako..." Nilapitan siya nito. "I'm okay now, Doc. Matino ang isip ko pero mas matino ang puso ko. I know it's just five days at ngayon na nga lang tayo nagkita pagkatapos ng insidente. Pero simula nang mapanood ko ang video ay halos hindi na ako makapagpahinga. Well, at least my mind. Palagi ka kasing tumatakbo sa isip ko."

"A-all right," Na-weirduhan na si Jaxon. Hindi na niya kaya pang tawanan ang sitwasyon. "So what are you trying to say?"

Kinuha ni Daphne ang kamay niya. Pinisil rin nito iyon. "Gusto kita. At sana ay mapagbigyan mo ako na pumasok rin hindi lang sa buhay kundi sa puso mo..."

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now