17

11K 300 27
                                    

NAPAUNGOL si Daphne nang may yumugyog sa balikat niya. Masakit pa ang ulo niya at gusto pa sana niyang matulog kahit alam naman niyang mataas na ang araw. Pero ayaw lang rin kasi niyang makipag-usap sa mga tao. Pakiramdam niya ay wala siyang mukhang ihaharap.

"Gumising ka na. May bisita ka!"

Tinakpan ni Daphne ang tainga niya. Hindi man niya minumulat ang mata, sigurado siyang ang Kuya Dwight niya iyon. Nang mabalitaan ng mga ito na tuluyan na siyang na-busted ni Doc Jaxon ay sumugod ito sa bahay. Kinalma siya nito. Alam rin niyang sa bahay rin ito natulog at mukhang hindi pa pumasok sa trabaho.

"I'd rather go back to sleep,"

"Importante ito," Hinila pa nito ang paa niya at kiniliti. Tuluyan nang nagmulat si Daphne ng mga mata. Inis na binato niya ang kapatid ng unan.

"Pang-asar ka talaga,"

Ngingiti-ngiti lang ito. "Nakakahiya sa bisita mo. Bumangon ka na!"

"Sino ba kasi 'yun?"

"Something you'll like," Kinindatan siya ng kapatid.

Kumunot ang noo ni Daphne. May pag-asa kaya na si Doc Jaxon iyon? Pero future tense ang sinabi ng kapatid niya. Ibig sabihin, puwede pa lang niyang magustuhan.

"Basta sumama ka na sa akin sa pagbaba. You'll not regret this,"

Sumunod si Daphne. Kahit nasaktan at alam niyang imposible, gusto pa rin niyang umasa na ang sinisintang Doctor ang makikita. Pero lesson learned na dapat sa kanya na masama ang umasa. Ibang lalaki ang nasa sala ng bahay nila---si Kuya Achilles---ang best friend ng Kuya niya at matagal ng nirereto sa kanya.

Masama ang tingin ni Daphne sa kapatid. "Nakakahiya! Ang pangit ko!"

Ngumisi ang kapatid niya. "Bakit conscious ka? Akala ko ba ayaw mo sa kanya?"

Inirapan niya ang kapatid. Kinuha niya ang pony tail na lagi niyang suot sa kamay at itinali sa buhok niya para hindi naman magmukhang buhaghag.

Hinarap niya si Kuya Achilles. Humingi na lang siya ng pasensya rito dahil sa itsura niya.

Ngumiti lang ang lalaki. "Don't worry. Tanggap naman kita kahit ano pang itsura mo," Inabutan siya nito ng flowers. "Para sa 'yo..."

Napatitig si Daphne sa flowers. It's red roses. It's a symbol of love. Hindi kagaya ng binigay sa kanya ni Doc Jaxon...

Napunta ang atensyon ni Daphne sa lalaki. Tinitigan rin niya ito. "Gusto mo ba talaga ako?"

Tumango si Achilles. Kinuha nito ang kamay niya at pinisil. "Alam kong hindi ito magandang oras. Kakakuweto lang sa akin ni Dwight na brokenhearted ka raw. But I'm willing to erase the pain. You know I'm always willing. Kung pagbibigyan mo lang ako.

"Tanggap kita sa kahit sino o ano ka man, Daphne. Just give me a chance to make love happen to us, to you. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka..."

Napakurap si Daphne. Achilles seems so serious and promising. But is another man really the cure to a broken heart?

Jaxon, The In Denial PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon