12

10K 271 25
                                    

KILALA man bilang maloko si Doctor Jaxon Harris pero mukhang hindi ito nagloloko nang pakiusapan siya nito na tigilan na ito. Ramdam kasi niyang iniiwasan siya nito. Hindi na niya ito naabutan sa ospital o kaya naman kapag alam niyang naroroon ito ay palaging ang sekretarya na lang nito ang sumasalubong sa kanya. Busy raw ito at hindi puwedeng maabala. Ilang araw na tuloy na walang energy si Daphne. Bumababa na rin ang percent ng hope niya.

Siguro nga ay kailangan ng tumigil ni Daphne. But she is still holding on to the thought of nothing will really happen if she will give up. Kaya naman araw-araw pa rin siyang pumupunta sa ospital, umaasa na makakausap at mapapalapit pa rin rito.

Isang araw ay nagdesisyon si Daphne na hintayin si Doc Jaxon. Gagawin niya ang lahat para makausap lang ulit ito. She will convince him to let her stay by hook or by crook. Sa parking lot na siya naghintay para sigurado siyang maabutan niya ito at hindi na ito makakapagtago. Inabutan na siya ng hamog nang makita niya ito roon. Masama pa naman siyang mahamugan dahil may pagkamahina rin ang immune system niya.

But Daphne can bear the consequences of what she do. Or so she thought when she finally saw the handsome Doctor...in the arms of someone else.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Daphne nang makitang parang ahas na nakalingkis ang isang babae sa kanyang sinisinta. Tinakasan ng kulay ang buong katawan niya at parang tumigil sa sakit na nararamdaman ang puso niya. Naghalikan pa ang dalawa na parang nagpaguho sa mundo niya.

"Daphne?" Namutla rin naman si Doctor Jaxon nang makita siya. Para itong nakakita ng multo. Tinanggal nito ang kamay ng babaeng nakahawak rito. Nilapitan siya nito. "What are you doing here?"

Daphne tried her best not to look affected. She smiled, even though her heart is really breaking. Itinaas niya ang bitbit na baunan. "Inaabangan kita. Pinagluto kasi ulit kita. May eggless pastry rin akong b-in-ake para sa 'yo,"

"Thanks. But I can't say sorry for what you've see,"

"A-anong nakita?"

"You cannot pretend to me, Daphne. But I cannot pretend to you that I am a saint..."

Tumango si Daphne. "Tanggap pa rin naman kita. She's just a playmate lang naman 'di ba?"

Natahimik ang Doctor. Tinitigan siya nito at sinalubong niya iyon. Nabasa niya ang lungkot sa mga mata nito. Pagkatapos ay hinawakan ng isang kamay nito ang balikat niya. "You really are good for me. You deserve someone else..."

"I only deserve what I want..." wika niya at patuloy pa rin na ginigiit ang pananaw. Pero sa loob-loob niya ay nahihirapan na talaga siya.

Pero ano ba ang mas masakit at mahirap? Ang mag-hold on o ang mag-let go?

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now