11

10.1K 283 18
                                    

"I DID something new and special for you, Doc!" wika ni Daphne at itinaas ang bitbit nitong lunch box. Mukhang nag-research na talaga ito dahil saktong lunch time niya ay nasa ospital ito. In fact, he is on his way to the canteen.

"Ahmmm... Thanks," matipid na sagot ni Jaxon.

"Halika na sa canteen. Sasabayan na rin kita na kumain," hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya sa canteen. Ang awkward tuloy ng pakiramdam ni Jaxon, lalo na at pinagtitinginan pa sila ng mga tao, lalo na ng mga staffs. Alam niyang may masama siyang reputasyon pagdating sa mga babae. Pero never naman siyang pumatol sa pasyente niya. Alam niyang nakikita na rin ng mga ito ang araw-araw na pagbisita sa kanya ni Daphne. Pinag-uusapan na siya sa buong ospital. And somehow, it makes him feel bad.

Inasikaso siya ni Daphne sa canteen. Kompleto ito sa lahat---may plato, kubyertos, kanin, ulam at may dala rin itong desserts. Nagbaon rin ito ng juice. Para tuloy silang nag-picnic sa canteen.

"Luto ko 'yang Sinigang," tukoy nito sa ulam na inihanda. "I admit, I suck in cooking. Pero mahalaga pa rin naman ang nag-effort ako 'di ba?"

Tumango si Jaxon. Tinikman niya ang sinigang. Hindi nga iyon ganoon kasarap kagaya ng luto ng Mommy niya at kahit ano pa man na natitikman niya sa mga restaurants. Pero passable na naman ang lasa. Medyo matabang lang. Sayang kasi paborito pa man rin niya iyon.

"Okay naman," wika na niya at kinain ang inihanda ni Daphne. Masiglang sinabayan rin siya nito. Ikinuwento pa nito ang pinagdaanan sa pagluluto.

Sandali lang naman nag-lunch si Jaxon. Madami pa kasi siyang trabaho. Nagpaalam na siya kay Daphne.

"Thank you for giving me time today. Bukas ulit. Anong gusto mong lutuin ko?"

Tinitigan niya si Daphne. She was full of hope. And somehow, it hurts. Dahil alam niyang hindi niya kayang i-fulfill ang pag-asa nito. At siguro nga, hindi na talaga dapat niya ginawa ang gusto ni Daphne na i-enjoy ang panliligaw nito. Makokonsensya lang siya. Mas masasaktan lang niya ito.

"You don't have to. Dahil simula bukas, titigil ka na,"

"Sasagutin mo na ako?" Nanlaki ang mata ni Daphne.

"No. I can't love you, Daphne. You deserve someone else,"

Umiling si Daphne. "Ayokong tumigil. Kulang pa nga siguro ang ginagawa ko. At hindi ka lang siguro nasasarapan sa mga bine-bake ko, lalo na sa niluto ko. But I promise you I will be good. I'll try harder..."

"No. Sinasabi ko na sa 'yo na wala ka na pag-asa sa akin. We can't be together..."

"Doc..."

"I'm really sorry, Daphne..." wika niya at inalis na ang tingin rito. He can see a blink of tear in her eyes. Hindi niya na kayang makita ang kasunod noon.

Iniwan na ni Jaxon si Daphne. He kind of felt bothered of what he did. But he will convince himself that it is for the better.

Jaxon, The In Denial PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon