33

6.4K 177 13
                                    

MAS EXCITED kaysa sa dati si Daphne sa pagsundo sa kanya ngayon ni Jaxon. Na-miss niya ang boyfriend. Dalawang araw kasi siyang hindi naihatid at sundo ni Jaxon sa trabaho niya. Ayon sa boyfriend ay may importante raw kasi itong magagawa at busy. Halos hindi rin sila makapag-usap sa phone. Naiintindihan naman niya ito dahil alam niyang mahirap ang trabaho nito. Kaya masaya siya na ngayong araw ay mukhang babalik na ulit sila ni Jaxon. Pumayag itong makipag-dinner sa kanya ngayong araw.

Pero bukod roon ay may gusto rin na sabihin si Daphne sa boyfriend. She received a good news this morning. Balak niyang sabihin iyon sa dinner nila.

Oras ng labas sa trabaho ni Daphne nang dumating si Jaxon. Pero nawala ang excitement at saya niya nang makitang namumutla si Jaxon. Mukhang haggard rin ang itsura nito at walang kasigla-sigla. Ibang-iba ito sa Jaxon na kilala niya.

"H-hello..." Matamlay rin ang bati at boses nito.

"May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Daphne. Hinawakan rin niya ang leeg nito para tignan kung mainit ito. Hindi naman.

Umiling si Jaxon.

"Pero bakit parang may pinagdadaanan ka?"

"I have," Huminga nang malalim si Jaxon. Kinuha nito ang kamay niya saka pinisil. Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi nang makapasok siya sa kotse. "But I will tell later..."

"Hmmm..." Na-curious si Daphne. Pero sinubukan niyang huwag talaga na mag-alala. Baka naman may problema lang ito sa trabaho.

Nag-drive si Jaxon. Dinala siya nito sa isang sikat na restaurant. Habang kumakain sila ay kinuwento muna niya ang nangyari sa araw niya. Nakinig lang si Jaxon.

"Daphne, I have something to say..." wika nito nang matapos silang kumain.

"Ako rin," Ngiting-ngiti si Daphne.

"S-sige, ikaw muna..." Ngumiti ito pero parang pilit. Ewan ba niya pero pakiramdam niya ay kinakabahan ito. Pero hindi na lang niya masyadong pinansin iyon dahil mas na-overpower siya ng saya sa balita na dala niya rito.

Kinuha niya ang kamay ni Jaxon at pinisil iyon. "May interview tayo!"

"Interview? Para saan?"

"Because of our viral video. And how it affects our relationship now. You know, doon kasi tayo nagsimula. And they find it sweet..."

"Oh, that's nice..."

"It is really nice! Excited na ako. Ipa-publish daw iyon sa isang magazine. First time kong mapi-feature," Daphne giggled. "Mark your calendar, ha. Next next week daw iyon. Tuesday,"

"O-okay..."

"How about you? Ano ba ang sasabihin mo?"

Tinitigan siya ni Jaxon. May lungkot sa mga mata nito. At kung kanina ay gusto niyang balewalain iyon, ngayon ay kinabahan na siya. He looked so seriously in a hard time.

"Mahal mo naman talaga ako 'di ba?"

"But of course..."

"And I love you, too, Daphne. So much. And you have to know that I don't really intend to hurt you. Pero alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi ko na naman iyon maiiwasan..."

Napakurap si Daphne. "B-bakit? Makikipaghiwalay ka ba sa akin? Itataboy mo ba ako ulit?"

"No. But I think it will be the other way around,"

Natawa si Daphne. "It will not happen. Mahal na mahal kita. Alam mo 'yan..."

"Mamahalin mo pa rin ba ako kahit sabihin ko na mukhang may isa pang tao rin na matatali rin sa buhay ko?"

Namutla si Daphne. Napabitaw rin siya sa hawak ni Jaxon. "I-I don't understand. Did you cheat on me?"

"No. I am with this girl before you. Wala kaming seryosong relasyon, pero nagkaroon kami ng komplikasyon," Malungkot na malungkot ang mga mata na sinalubong ni Jaxon ang sa kanya. "I-I think I've got a girl pregnant, Daphne..."

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now