19

11.7K 271 21
                                    

"FIRST time ko yata na makitang hindi ka satisfied at masaya, ah. Am I not well?"

Napatitig si Jaxon sa mukha ni Misty. Punong-puno iyon ng pawis. Sa tuwina, paboritong tanawin niya iyon ni Misty. Pero wala siyang maramdaman ngayon. At ganoon rin sa nangyari sa kanilang dalawa.

Bago ang nangyari ay hindi mapakali si Jaxon. Nai-stress siya. So he went out and seek for Misty's "help". As usual, pumayag ito. Nagpunta sila sa hotel. Misty has the same energy. Pero si Jaxon ang hindi. Halos hindi siya nakapag-perform.

"There's nothing wrong with you. I think it is with me. Parang hindi na yata ito ang gusto kong buhay,"

"What do you mean?"

Huminga nang malalim si Jaxon. "Parang gusto ko na yatang magseryoso,"

Tinawanan siya ni Misty. Pero nang makita nitong seryoso ang mukha niya ay natahimik ito.

"I can't get her out of my mind..." Napapikit si Jaxon, nasa isip pa rin si Daphne. Ang akala niya, magiging mabuti ang lahat kapag tinigilan na siya nito. Pero sinanay na yata siya ng babae na palagi itong nasa paligid. Parang hindi kompleto ang araw niya kapag hindi ito nakikita. Nami-miss niya ito. At kanina, nang malaman na nakikipag-date na ito sa iba ay nasaktan siya.

Si Daphne ang dahilan kung bakit nai-stress si Jaxon. At naisip niyang si Misty ang solusyon. Akala niya, kapag nakipag-sex siya ay mawawala rin ang stress at si Daphne sa isip niya. But it makes matters worst. Habang nakikipagtalik kay Misty ay iniisip niya si Daphne. Mali iyon. Pakiramdam niya ay hindi lang siya nagkakasala kay Misty, ganoon rin kay Daphne. Kahit may karapatan siya, mali pa rin na sumama siya sa ibang babae.

In just a matter of weeks, Daphne made him feel that she owns him...

"Ito ba 'yung babaeng na-viral sa video? Ang balita ko, nagkakamabutihan daw kayo..."

"Yes. But I let her down. You know that I can't commit to someone. I can't be serious for her. Pero mas hindi ko yatang malayo sa kanya..."

"You like her. Or maybe love..."

Napakurap si Jaxon. "Capable ba ako doon?"

Ngumiti si Misty. "Oo naman. Lahat naman ng tao, capable na ma-in love. Tignan mo nga ang mga kapatid mo..."

"But I don't trust myself so much. Natatakot ako..."

"Ano ba ang mas nakakatakot? Ang sumubok o ang mawalan?" Hinawakan ni Misty ang balikat niya. Bahagyang pinisil nito iyon. "Masuwerte ka kasi mukhang natagpuan mo na ang pag-ibig. At bonus na gusto ka rin ng taong mukhang napupusuan mo na nga. So stop being in denial, Jaxon. Have confidence on yourself and experience the beauty of love..."

Natahimik si Jaxon. Matagal-tagal rin na d-in-iggest niya ang mga sinabi ni Misty. And then it finally hit him. Tama ang babae. Masuwerte nga siya. And he shouldn't let fear overpower himself. Mas hindi siya magiging masaya dahil mas nakakatakot na mawalan.

Ngumiti si Jaxon. Nagpasalamat siya sa babae. And then he realized that she's really his stress reliever. Pero hindi niya masabi kung masama ba o para na rin sa ikabubuti na mukhang matatapos na ang relasyon nila.

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now