7

10K 269 20
                                    

ALINLANGAN ang ngiti ni Jaxon nang makita si Daphne. Ilang linggo na rin itong umaaligid sa kanya pero hindi niya maintindihan ang dapat na maramdaman. Hindi siya pabor sa ginagawa nito. Pero may side naman niya na ayaw niya itong tapatin sa totoong nararamdaman niya rito kaya hinahayaan na lang niya. After all, may pagka-bata pa rin naman ito. Kapag naramdaman nito na hindi talaga siya interesado, susuko rin ito.

Nasasanay na rin naman si Jaxon sa presensiya ni Daphne kaya medyo okay lang naman na makita niya ito. Ang pinaka-hindi lang talaga okay ay ang palagi na lang bitbit nito---cupcakes. Pero dahil alam niyang sariling gawa iyon ng babae ay hindi naman niya ma-reject. Masasaktan ito dahil siguradong nag-effort ito para roon. Binibigay na lang niya sa mga staff niya ang cupcakes na masarap raw sabi ng mga ito.

Pero ngayon ay hindi na lang cupcakes. Nag-level up na iyon dahil mas malaki na ang box.

"I have a new bake product to offer you! An egg pie!"

Napalunok si Jaxon. Just hearing the product's name makes his head itch already. Napakamot siya. "Ah, eh, salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa,"

"It's nothing. Gusto kong alagaan at i-spoiled ka," Pumasok na si Daphne ng clinic niya. Mukhang alam na nito pati oras ng tapos ng trabaho niya. Sakto kasing dating nito. Nagpunta ito sa table at in-slice ang egg pie. Pagkatapos ay itinaas nito ang slice na egg pie sa bibig niya.

"Come on. Eat," Ibinuka pa ni Daphne ang bibig nito.

"N-no. Busog pa ako,"

Lumabi si Daphne. "Hindi mo ba talaga gusto?"

"Ha?"

"Ang mga bine-bake ko..." Lumungkot ang mukha nito, parang maiiyak rin.

Parang may tumusok naman sa dibdib ni Jaxon. He really can't afford to hurt her. "Hindi naman sa ganoon. Busog na lang talaga ako,"

"Really? So ganoon ka pala araw-araw."

"Ha?" Medyo namutla si Jaxon. Alam na rin ba nito na binibigay niya lang sa iba ang mga bine-bake nito at never na tinikman?

"Alam ko na ang totoo, Doc Jaxon. You don't really eat my cupcakes. But I tell you, a little bite won't hurt,"

It will... Napabuntong-hininga si Jaxon. Dapat ay matagal na niyang sinabi ang sitwasyon niya kay Daphne. But whenever he sees the smile on her face when she's giving the box, he can't afford to reject it. Kaya lang, dapat ay malaman ni Daphne na nasasayang lang talaga ang efforts nito dahil hindi siya puwedeng kumain ng cupcakes, cakes o kahit ano pa man na pagkain na may halong itlog.

Pero mas inilapit pa ni Daphne sa kanya ang egg pie. He can't help but smell it and it is so good. He is so tempted to eat it. At naggawa na rin naman niya dahil tuluyan ng inilapit iyon ni Daphne sa bibig niya. Ibinuka nito ang bibig niya sa pamamagitan ng egg pie.

Parang may yelong bumuhos sa katawan ni Jaxon nang malasahan ang egg pie. It really tastes so good. But he really doesn't know if he can bear the consequences of it...

"Masarap 'di ba?" Ngiting-ngiti si Daphne.

Tumango na lang si Jaxon. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang dapat na maging reaksyon---ang lunukin ang pagkain o tumakbo palabas para iluwa iyon. But the latter will be so rude. And again, he cannot let himself take away that beautiful smile from her face.

Ah bahala na!

"Yes. It really is so good."

Lumawak ang ngiti ni Daphne. Sandaling natigilan siya. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Kung dahil ba sa parang kinikilig yata siya sa ngiti nito o dahil nag-uumpisa ng umepekto ang sakit niya ay hindi niya alam.

Pero iisa lang ang sigurado ni Jaxon: He have to get out of here. Bukod kasi sa delikado ang nararamdaman niya sa babae ay puwede rin siyang magka-medical emergency. At ayaw niyang makita iyon ni Daphne.

"Thank you. I'll just bring it at home. May importante kasi akong appointment, eh."

Pumayag si Daphne. Inayos nito ang binuksan na box ng eggpie at inabot sa kanya.

Huminga nang maluwag si Jaxon nang makarating siya sa sasakyan. But he wishes that he still can do that later...

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now