23

8.7K 211 8
                                    

JAXON want revenge. Kaya naman nilibre rin niya ang Sabado niya para sundan si Daphne at Achilles. Nagpunta ang mga ito sa isang beach resort sa Batangas para sa isang day tour. Nang makapasok, nagkunwari siyang "coincidence" ang pagkikita nilang tatlo.

"It's fancy seeing you both here," ngiting-ngiti pa si Jaxon. Siyempre, kabaligtaran naman iyon ng mukha ni Achilles.

Mukhang hati naman ang reaksyon ni Daphne. Alinlangan ang ngiti nito. Binati siya nito pero parang alinlangan rin ang saya nito. Para bang awkward rito ang sitwasyon.

May pag-aalinlangan rin tuloy na naramdaman si Jaxon sa babae. Ramdam naman niya na malaki ang pag-asa niya kay Daphne. Hindi naman siguro basta-basta na mawawala ang nararamdaman nito sa kanya. Pero hindi niya lang nagustuhan na mukhang hindi nito nagustuhan ang pagkakita sa kanya. Samantalang dati ay ito ang naghahabol sa kanya. Hindi maalis ang magandang ngiti nito kapag magkasama sila.

Jaxon can't help but compare. Pero aminado at tanggap naman niya na kasalanan niya rin ang nangyari. Kung hindi sana niya sinaktan si Daphne, hindi ito mag-aalinlangan. Wala na siguro siyang kalaban. Pero sabi nga nila, the harder your experience, the more you will treasure. Masasabi rin naman niya na makakatulong rin sa kanya ang challenge. Kung talagang gusto niya si Daphne, hindi siya basta-basta susuko. Mas masisigurado niya ang nararamdaman. Isa pa, gusto rin naman niya na natsa-challenge siya. Iba nga lang kasi ang sakit ng challenge na binibigay sa kanya ni Daphne.

"Well, we will just see you around," wika ni Achilles at inakbayan si Daphne palayo sa kanya. Parang bigla tuloy siyang nagsisi sa ginawa niyang pagsunod sa mga ito. Parang siya yata ang mas masasaktan.

Nagpahinga sandali si Jaxon. Hindi naman kasi maganda tignan kung susundan niya ang mga ito. Baka magmukha lang siyang tanga. Pero mas mabuti na yata ang magmukhang tanga at kahiya-hiya kaysa naman biglang nawala ang dalawa sa kanyang paningin. Isang oras niyang hinanap ang mga ito sa resort pero hindi niya makita. Nang maglakas loob na siyang magtanong sa information ay nalaman niyang nag-island hopping ang mga ito.

Inis na inis si Jaxon. Hindi niya alam kung hanggang ilang oras mag-island hopping ang mga ito. Private boat rin ang kinuha ng dalawa. So it just means that they are just two. And a get-away in an island is romantic. Paano kung may gawing "romantic" ang dalawa?

Hindi mapakali si Jaxon. Gusto niyang sundan ang dalawa. Pero sabi ng staff ng resort ay nagamit na ang lahat ng Bangka na mayroon ang mga ito sa resort para sa island hopping. Nire-reserve daw kasi iyon. Hindi rin daw nito alam kung anong oras ang babalik ng gumamit. Pang whole day daw kasi ang rent ng Bangka. Hindi rin daw nito sigurado kung may nag-aalok na bangkero sa labas para magpadala sa isla. Inalis na rin naman niya sa isip iyon dahil baka naman pabalik na rin ang mga ito. Mataas ang araw. Malamang ay mabilis lang ang mga ito.

Pero lumipas ang tatlong oras at wala pa rin ang dalawa. Hindi tuloy siya nakakain masyado ng lunch. Bukod kasi sa mga romantic what-if sa utak niya ay nag-aalala rin siya. Bakit ang tagal ng mga ito? Paano kung may masamang mangyari sa mga ito?

Mag-a-alas tres ng hapon nang makabalik ang dalawa. At tama ang instinct ni Jaxon na mag-alala. Bukod kasi sa namumulang balat na sa tingin niya ay dahil sa taas ng araw, mukhang hindi rin makalakad si Daphne. Buhat-buhat ito ni Achilles. Kaagad na nilapitan niya ang mga ito.

"What happened?"

Naluluhang ipinakita ni Daphne ang mga paa nito. Napakurap siya nang makitang parang may tinik roon. "You had a sting,"

Tumango si Daphne. Kaagad na tumawag siya ng staff at nagpakuha ng tweezers at mainit na tubig. Fortunately, may available sa resort. Siya na ang gumamot kay Daphne. Tinanggal niya ang mga tentacles ng jellyfish na dumapo rito. Pagkatapos ay ibinabad niya sa mainit na tubig ang paa nito.

"Don't cry. You're okay now..." Pinahid niya ang luha ni Daphne. Naiiyak pa rin ito kahit sinigurado niya na magiging okay na naman ito.

"Thank you..." Niyakap siya ni Daphne. Mukhang natakot ito at nagkaroon ng sobrang relief kaya naman hindi na alam ang ginawa. Pero positive naman iyon kay Jaxon. He knew that Doctors are looked by people as heroes. Ilang beses rin naman niyang naramdaman iyon. Pero ngayon, pakiramdam niya ay superhero siya kahit na ba napakaliit na bagay lang naman ng ginawa niya.

Ngumisi si Jaxon. Nahuli niyang nakatingin si Achilles. As usual, masama ang tingin nito sa kanya. At hindi naman niya ito masisisi. Araw nito. Pero mukhang siya ang nanalo.

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now