29

7.3K 190 6
                                    

NAG-ALINLANGAN si Jaxon na batiin si Achilles nang makita niya sa lobby ng ospital. Kinabahan rin siya. Bakit nasa ospital na naman ito? Puwede kayang may masama na naman na mangyari kay Daphne?

Wala namang nababalitaan si Jaxon. At wala rin na dapat siyang pakialam. He already has let her go. Kung ipapakita pa niya na nag-aalala pa siya, mas magugulo lang ang sitwasyon.

Pero sa kabila ng guilt, hindi pa rin talaga niya kayang hindi malaman ang lagay nito. Binati niya si Achilles.

"Hi. What brings you here?"

Nang makita siya nito ay tumango ito. Mukhang siya nga ang hanap nito. "I want to consult you for something,"

"Consult? You mean check-up? I'm sorry pero I'm not allowed for that. Hindi pa kasama ko bilang resident Doctor ang mag-clinic,"

"No. It's about Daphne..."

"What about her?"

Tumingin si Achilles sa paligid. "Puwede bang sa labas tayo mag-usap?"

Wala ng trabaho si Jaxon. Niyaya niya sa coffee shop sa labas ng ospital. Nilakad na lang nila papunta roon.

"May sakit ba si Daphne?"

"Yes..."

Kinabahan si Jaxon. "Anong nangyari?"

"Her heart,"

Namutla si Jaxon. Naglihis siya ng tingin sa lalaki. "It was all because of me..."

"At ikaw lang rin ang makakagamot noon,"

Tinitigan niya ang lalaki. "Nandiyan ka. You are more deserving of her."

"I already let her go,"

"What? Pero bakit?"

"Dahil alam kong ikaw lang ang mahal niya. At ikaw lang ang mamahalin niya. Tanga lang talaga ako para umasa at makipagkompetensya," Huminga nang malalim si Achilles. "He's all yours now..."

Umiling si Jaxon. "Natatakot ako. Sinasaktan ko lang naman siya. When that mussles incident happened, it made me feel so guilty. I didn't mean it but it made a big impact to me. Hindi ko na siya kayang pakiharapan kaya iniwasan ko na siya. Sinubukan kong ibaling sa ibang babae para mawala ang guilt at sakit..."

"And do you think it is really the right thing to do? Did it even solve any problems?"

Natahimik si Jaxon. Tama si Achilles. Kahit ilang babae pa ang landiin at halikan niya, mukha lang ni Daphne ang nakikita niya. Mas pinahirapan lang niya ang sarili niya sa ginawa. At mukhang ganoon rin si Daphne.

Tumayo si Achilles. Tinapik nito ang balikat niya. "Do the right thing now,"

"I-I'll try..." Nasa puso pa rin ni Jaxon ang takot. Kaya pa bang patawarin ang isang kagaya niya?

Umiling si Achilles. "You will..."

Naglakad na palayo si Achilles. Pero hindi nagtagal ay bumalik rin ito.

"Siya nga pala, may ipapakiusap pa pala ako..."

"Ano 'yun?"

"Puwede ka bang suntukin?"

Napakurap si Jaxon. Hindi siya nakasagot kay Achilles. Pero hindi na rin naman siya nito pinagbigyan. Lumapat na ang kamao nito sa panga niya. Sinuntok nga siya nito.

"Kapag sinaktan mo pa ulit si Daphne, higit pa diyan ang matitikman mo..." wika nito at tumalikod na ulit.

Napahawak si Jaxon sa panga. Masakit ang naging suntok. Pero wala siyang karapatan na magreklamo. At wala rin naman siyang balak, o kahit man ang gumanti. Alam niya sa sarili na deserved niya ang suntok.

And somehow, it made him feel good to be hurt.

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now