5

10.5K 299 20
                                    

NATANGGAL na ang cast ng kamay ni Daphne kaya naisipan niyang mag-celebrate. Gusto niyang yayain na mag-date si Doctor Jaxon. Nakita na naman niya ito kanina at nagbigay na rin ng baked cupcakes niya. Pero gusto rin niyang mag-double effort. Kahit kasi alam niyang maaga pa ang isang linggo para makakita siya ng improvement, medyo naiinip rin siya. Mukhang hindi sapat ang cupcakes niya para kahit papaano ay bigyan rin nito ng espesyal na atensyon.

Sa araw-araw na pagbisita ni Daphne sa nililigawan na Doctor ay parang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Minsan nga, pakiramdam niya ay hindi pa. Madalas kasi na awkward lang ang ngiti nito. Ilang beses na niyang naiisip na baka naman ayaw nito sa kanya. Pero kung ganoon nga, tatanggihan naman dapat siya nito 'di ba? Wala naman itong sinasabi kaya gusto niyang umasa. Isa pa, maaga pa rin naman para sumuko siya.

Kasa-kasama ni Daphne ang buong pamilya niya sa ospital. Sinuportahan ng mga ito ang pag-alis ng cast niya. Maayos na ang kamay niya pero sinabihan pa rin siya na huwag abusuhin ang paggamit noon. Hindi naman natatakot si Daphne. She is an adult now, she can take care of herself. Mabuti na nga lang at naniniwala rin sa kanya ang pamilya. Nang sabihan niya ito na mauna ng umuwi dahil may plano siya kay Jaxon ay pumayag naman ang mga ito.

Nagpunta muna si Daphne sa banyo para mag-ayos ng sarili bago balikan at kausapin ulit ng personal si Jaxon. Nag-retouch siya sa harap ng salamin. She smiled when she saw her reflection in the mirror. She looked better without her cast now. Sana nga ay ganoon rin ang maging tingin sa kanya ng nagugustuhan na Doctor.

Pero kaagad rin na nawala ang ngiti sa labi ni Daphne nang may pumasok sa banyo. Kagaya niya ay nag-ayos lang rin ito. Mukhang staff ito ng ospital at mukhang mabait rin naman. Nginitian pa siya nito. Hindi nga lang niya maibalik ang ngiti dahil napako ang tingin niya sa dala-dala nito---it was her box of cupcakes!

"May problema ba?" tanong nito nang mapansin na namumutla siya.

"S-saan mo nakuha ang mga 'yan?"

"Bigay noong isang Doctor. Nakakatuwa nga kasi palagi siyang may dala tapos binibigay sa aming mga staff. Ang sweet niya 'no?"

So pinamimigay lang ni Jaxon ang mga cupcakes ko... Nawala ang happy mood ni Daphne. Pakiramdam niya ay hindi siya na-appreciate. It hurts a lot. Parang sa buong buhay niya, ngayon lang yata siya nakatanggap ng ganoong rejection. Indirect man iyon pero masakit pa rin. Her family and even her friends appreciate even the small and silly things she does for them.

Sandali pa lang pero mukhang bigo na si Daphne. Tutuloy pa ba siya?

Jaxon, The In Denial PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon