1

19.7K 429 58
                                    

"DOC, I love you!"

Tumawa si Jaxon nang marinig na naman ang pag-amin ng pasyente niyang si Daphne. They just met today but all she did to him was to confessed her love for him. Pinagtatawanan na rin sila ng mga nurse, staff at kahit ng pamilya nito. Pero walang pakialam ang babae. The main reason? She just had a vehicular accident. Inopera ang kaliwang braso nito at high pa ito sa anaesthesia. Hindi nito alam ang ginagawa at sinasabi habang nasa recovery room.

"Salamat," wika ni Jaxon, natatawa pa rin.

"Say you love me, too..." Nagpout pa ito ng labi. She looked so cute. Pero ayaw niyang magpa-apekto dahil alam naman niya na wala lang ito sa sarili. He just let himself amused on how the drugs affect her.

"I love you, too. As my patient," sagot naman niya pero hindi pinapatulan ang babae. Kilala siyang playboy. Pero alam niyang hindi si Daphne ang babaeng madalas na paglaruan lang niya. Sa pagkakaalala niya ay twenty one years old pa lang ito. Anim na taon rin ang pagitan nila. At may rule siya sa sarili: hindi siya makikipaglaro sa mga babaeng limang taon pababa ang pagitan ng edad sa kanya. Para sa kanya ay mga bata ang mga iyon. Bukod pa sa mukhang napaka-sweet at inosente ni Daphne. Iniiwasan niya ang mga babaeng kagaya nito.

"No. You say you love me as your future wife,"

Nagtawanan ang lahat. He is already a feeling a bit awkward now, lalo na nang mapatingin sa mga tao sa recovery room. Malaking kuwarto iyon na pinagdadalhan ng mga taong kakatapos lang operahan at under recovery. Puwedeng magkaroon ng bisita ang pasyente pero limitado lang. May ilang bisita ang pasyente roon na nakakita sa lagay nila at na-amuse rin. May iba rin na naglabas ng cell phone at nag-video. Hindi tuloy niya mapigilang hindi iyon pansinin.

"Baka mag-viral 'yan, ha." Wika ni Jaxon.

"I'm sure!" sagot ng isang nurse na amused na amused rin. Mukhang alam nito na may nagvi-video nga. Bawal iyon sa recovery room pero dahil sa amusement ay hindi na nito pinansin. Hindi na rin naman niya masita at baka isipin ng mga ito na basag trip siya.

Awkward na napangiti si Jaxon. As if popularity is new to him. Kilala siya at ang mga kapatid niya sa Pilipinas dahil minsan ng na-feature sila sa isang magazine. They were branded as International Playboys. Pero may hindi siya magandang feeling kapag nag-viral ang video. Baka mapahiya si Daphne. Pasyente niya rin ito. He somehow cares for her.

"What happened? What viral?"

Umiling si Jaxon. "Nothing," Kinuha niya ang kamay nito at pinisil. "Look, Daphne. I got to go. I still have work to do. I'll see you tomorrow,"

Biglang lumungkot ang mukha ng babae. "'Wag kang umalis, please. Dito ka lang. Boyfriend na kita 'di ba? You should take care of me..."

"Yeah. Pero kapag napanood mo siguro itong video, baka hindi mo na ako gustong makita ulit."

"Video?"

"Nothing. I really have to go," wika niya saka binitawan na ang kamay ni Daphne. Umungot pa ito pero pinilit niyang huwag pansinin. Nagpaalam na siya sa staff at sa pamilya nito na mukhang naiintindihan rin naman siya.

Wala naman talagang importanteng gagawin si Jaxon. Tapos na ang duties niya sa ospital at puwede na siyang umuwi. He just wanted to get away from the situation. Hindi niya kasi maintindihan pero may kakaiba siyang pakiramdam sa nangyari. And it is not something good...

Jaxon, The In Denial PlayboyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ