31

7.4K 164 3
                                    

NAPAPALAKPAK si Daphne nang matapos sila ni Jaxon sa "activity" ngayong araw. Ngiting-ngiti rin siya dahil pakiramdam niya, successful iyon. Hindi nasunog ang bahay at wala rin na niluto nila ang nasunog. Hindi man niya masasabi na perfect ang mga iyon dahil hindi kasing sarap ng luto ng Kuya niya o sa mga restaurant na nakakainan nila, okay na sa kanya na passable naman ang lasa.

"Para naman tayong nanalo sa lotto kung makapalakpak at makangiti ka," puna ni Jaxon. Alinlangan ang ngiti nito.

"Eh sa masaya ako, eh," Tumingin siya sa mga pagkain na niluto nila. "I think magugustuhan nila ito,"

"Mukhang hindi nga. Paano kung hindi ito magustuhan ng parents mo? Lalo na sa Kuya mo?" Napailing-iling si Jaxon.

"It's the thought that counts," Kinindatan niya ito at hinalikan sa pisngi. Umasim ang mukha niya. "Maligo ka na muna. Mas hindi nga nila magugustuhan kapag naamoy ka nila,"

Nakangiwi pa rin ito. Mukhang hindi pa satisfied talaga sa ginawa. Pero naiintindihan naman niya ito. Gusto nitong magpa-impress sa pamilya niya. Para sa ikakaayos iyon ng relasyon nila kaya naiintindihan niya. Na-appreciate niya iyon. They are officially together for a week now. At mukhang for the "better" na nga talaga ang lahat.

Tinupad ni Jaxon ang sinabing aayusin ang relasyon nila. He became sweeter. Araw-araw ay hatid at sundo siya nito sa trabaho. Naka-ilang bigay na rin ito ng flower sa kanya. Lahat iyon ay red rose na. Ngayong wala rin itong trabaho ay hindi lang nito gustong bumawi sa kanya, ganoon rin sa pamilya niya. Kaya ngayong hapunan ay napagdesisyunan nilang ipagluto ang magulang niya. Inimbitahan rin niya ang Kuya niya na nag-confirm naman na darating. Puwede naman silang bumili na lang o ilabas para sa dinner ang pamilya pero mas naisip niyang ma-appreciate ng mga ito kapag sila ang naghanda mismo. Pumayag si Jaxon, pero mukhang hindi pa rin ito satisfied.

Huminga nang malalim si Daphne. "Mahal kita. At lahat ng mahal ko, mamahalin rin nila. Kaya cheer up na, okay?"

"Ang laki ng kasalanan---"

"Don't mention it. We're okay now. And you're here with me, doing all the best efforts. Iyon ang importante sa akin,"

Tinitigan lang siya ni Jaxon.

Hinawakan niya ang magkabilang bibig nito. She formed a smile from it. "Ngiti ka na, please?"

Nang alisin ni Daphne ang kamay ay hindi pa rin naalis ang ngiti nito. Hindi na iyon pilit na ngiti. Lumawak rin ang ngiti niya.

"You're so cute!" Ninakawan ni Daphne si Jaxon ng halik sa labi.

Hinapit nito ang baywang niya. He kissed her again. Ipinagdikit nito ang ilong sa ilong niya sabay hawak sa kanyang pisngi. "And I'm so lucky to have you..."

Daphne giggled. Kinikilig siya. At sa tingin nga niya, hindi na yata matatapos ang kilig. Ah, she felt like living in cloud nine for the past week. Alam rin kasi niya na okay naman si Achilles. May communication pa rin sila pero hindi kagaya ng dati ay wala na itong palipad hangin. He really meant his words.

Pagkatapos ng sandaling paglalambingan ay nakumbinsi na rin niyang mag-shower si Jaxon. Sadyang pinagdala niya ito ng extra na damit dahil in-expect niya na baka pagpawisan ito habang nagluluto sila. Nag-shower rin naman siya. Nang matapos ay hinanda na nila ang nilutong pagkain sa dining room.

Ilang sandali matapos nilang maayos ang lamesa ay dumating ang magulang niya. Kasunod naman noon ang Kuya Dwight niya. Her parents gave Jaxon a warm welcome. Bineso ito ng Mommy niya samantalang nakipagkamay at bahagyang niyakap pa ito ng Daddy niya. Ang Kuya Dwight niya lang ang problema. Madilim ang mukhang hinarap nito si Jaxon. Hindi rin nito tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki.

"Kuya!" sita ni Daphne. Humalukipkip siya. "You're rude,"

"Isn't he to you?"

"Hindi na ngayon. At tignan mo nga, bumabawi siya. Pinagluto namin kayo ngayong gabi,"

"Masarap dapat 'yan," wika ng Kuya niya at dumiretso na sa dining room.

Nahuli ni Daphne ang paglunok ni Jaxon. Mukhang kinakabahan ito. Kinakabahan rin siya pero she expected the worst na naman.

"Hindi masarap," wika agad ng Kuya niya kahit nakaka-isang subo at pagkain pa lang ito.

"Try the others," inabutan niya ito ng prinito nilang lumpia.

Kinain naman nito pero hindi pa rin nito gusto. Ganoon rin ang ibang niluto nila.

Hindi naman nagpaapekto ang Mommy at Daddy niya. Pumunta na ang mga ito sa dining room at kumain.

"Okay naman, ah." Wika ng Mommy niya. Tumingin ito sa Daddy niya na tumango rin.

"Basta sa akin ay hindi," Tumayo ang Kuya Dwight niya. Pumunta ito sa garden. Napatingin kaagad siya kay Jaxon. He looked hurt. Nasaktan rin tuloy siya. Huminga siya nang malalim. Tumayo siya, nagdesisyon na kakausapin ang Kuya niya. Pero naunahan siya ni Jaxon. Tumayo rin ito at tinapik ang balikat niya.

"I'll talk to him and persuade him to eat with us," Pinaupo na siya nito pagkatapos ay sinundan ang Kuya niya.

Nag-aalala si Daphne. Gusto niyang sundan ang dalawa. Gusto niyang tulungan si Jaxon. Naiinis siya sa Kuya niya pero naiintindihan rin naman siya nito. Alam nito ang sakit na pinagdaanan niya kay Jaxon. Nagiging protective lang talaga ito. Bukod pa sa alam niyang mas boto ito kay Achilles.

Pero hindi na nakasunod si Daphne nang kausapin siya ng magulang niya. Nagpatuloy rin siya sa pagkain. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na ang dalawa sa dining room. Nakangisi ang Kuya niya at si Jaxon naman ay alinlangan ang ngiti. Napakunot noo siya at tatanungin na sana ang dahilan nang makita ang itsura ng kaliwang panga nito. Mapula iyon.

Sinamaan ng tingin ni Daphne ang Kuya niya. "Sinuntok mo ba si Jaxon?!"

"He deserve that,"

"I deserve it," halos sabay na wika ng dalawa.

"No!" Tumayo si Daphne. Humalukipkip siya sa harap ng Kuya niya. "You really are so rude! Sobra ka na,"

Nagkibit-balikat ang Kuya niya. "Sinuntok ko lang naman siya sa kaliwa para pumantay ang panga niya,"

"What do you mean?"

"Sa kanan siya sinuntok ni Achilles---"

Nanlaki ang mata na tinignan ni Daphne si Jaxon. "Sinuntok ka ni Achilles?"

Napakamot ng ulo si Jaxon. "Yeah. But don't worry, wala lang naman 'yun. Kagaya ng ginawa ng Kuya mo, deserve ko rin 'yun. Mas deserving pa nga," Kinuwento na rin ni Jaxon na nakipagkita pala si Achilles dito dati.

"This is insane,"

"Nakakaloka ka kasing mahalin," tudyo ng Mommy niya. Parang sa halip na mainis na kagaya niya ay kilig na kilig pa ito. Ganoon rin ang Daddy niya.

Nilapitan siya ni Jaxon. "There's no need to worry, Love. Naiintindihan ko naman kung bakit nila ginawa 'yun. Ginaganti ka lang nila sa akin,"

Naiinis pa rin si Daphne. Pero naintindihan na rin naman niya ang Kuya niya. Kaya lang, masama pa rin ang tingin na binigay niya dito. "'Wag mo ng uulitin iyon,"

"I can't promise,"

"What?!"

"Dahil kapag sinaktan ka ulit niya ay makakatikim ulit siya. Well, baka sobra pa."

"Well, that won't happen..." Tumingin siya kay Jaxon. He lovingly looked back at her. "Right, Babe?"

Hinalikan ni Jaxon ang ulo niya. "Of course..."

"Jeez, cheesy! Pagtiyagaan na nga natin itong niluto niyo!" wika ng Kuya niya at tumigil na ang pagka-pabebe. Kumain na rin ito at w-in-elcome si Jaxon sa pamilya.

Nagkasakitan man ay nakahinga na rin ng maluwag si Daphne. Ang mahalaga naman ay okay na sila. At nagtitiwala siya na hindi na nga ulit mauulit iyon. Hindi na siya sasaktan pa ni Jaxon.

Nasaktan man si Daphne sa nakaraan ay patuloy pa rin siyang nagtitiwala. At sa tingin niya, iyon ang pinaka-the best ingredient ng love. Sana lang ay wag na siyang bigyan pa ng dahilan para masira iyon.

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now