13

10.4K 282 14
                                    

NAGGISING si Daphne na masakit ang ulo. At nang makitang hindi pamilyar sa kanya ang paligid ay parang mas lalo pa iyong sumakit. Inilibot niya ang tingin at nakita ang buong pamilya niya sa kuwarto. Kaagad na nilapitan siya ng Mommy niya. Nag-aalala ang mukha nito.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Anak?"

Sinabi ni Daphne ang nararamdaman. "Anong nangyari?" Medyo malabo ang memorya ni Daphne. Nahihirapan siyang alalahanin ang huling nangyari sa kanya.

"Masama ang pakiramdam mo nang makauwi ka. Tapos nang maggising ako ng hating gabi para i-check ka ay umuungol ka na. Mataas ang lagnat mo at kahit anong pilit ko na gisingin ka ay hindi ka maggising. Kaya naman napagdesisyunan na namin na dalhin ka sa ospital,"

"Oh..." Naalala na ni Daphne na masama nga ang pakiramdam niya nang maggising. Sa tingin niya ay dahil iyon sa nahamugan siya. Madalas siyang magkasakit kapag nahahamugan siya. "I'm sorry. Naabala ko pa po pala kayo,"

"No worries. Ang mahalaga ay naggising ka na. You are just need to be observed. Mababa na rin ang lagnat mo nang i-check ka kanina,"

"Okay..."

Nilapitan na siya ng Daddy at Kuya niya. As expected, kinumusta rin siya ng mga ito habang inihahanda ng Mommy niya ang almusal niya. Lampas alas nuwebe na nang umaga kaya medyo late na siya sa almusal. Gutom na nga siya at mabilis na naubos rin ang pagkain. Pagkatapos noon ay nag-rounds ang Doctor. Isang nurse at dalawang doctor ang pumasok---isang attending physician at resident Doctor. Hindi alam ni Daphne ang mararamdaman nang makitang si Doc Jaxon ang resident Doctor. Ito rin ang pinag-check sa kanya ng attending physician. Guilt was on his face while he is doing his task.

"Mukhang okay naman ang lahat. Wala na rin siyang lagnat. If within twenty four hours at hindi iyon bumalik, puwede na siyang lumabas bukas,"

"That's good. But knowing that he is your Doctor, baka gusto na niyang magpa-ospital forever," wika ng Kuya Dwight niya. Pinandilatan niya ito at tumawa naman ito. "Joke lang!"

Tumikhim si Doc Jaxon. Tumingin ito sa kasamang physician. "We got to go,"

"Wait!" Hinawakan ni Daphne ang kamay ni Doc Jaxon. "Puwede ba tayong mag-usap?"

Bumitaw ang Doctor sa hawak niya. "Your family is here,"

Tumingin si Daphne sa pamilya niya, pati na rin sa attending physician at nurse. "Puwede po bang lumabas muna kayo?"

Sumunod naman ang mga ito. Naiwan sila ng lalaki sa kuwarto. Huminga ito nang malalim. "What do you want?"

"You," Ngumiti si Daphne. Sa kabila ng sakit ng nangyari kahapon, malinaw at determinado pa rin siya.

"Stop it, Daphne. Tignan mo nga at nasa-sacrifice mo pa ang health mo ng dahil sa akin,"

"It's okay. I'm willing to sacrifice everything just for you," Kinindatan niya pa ang lalaki.

"This is not good anymore. Nagmumukha ka ng desperada,"

Natahimik si Daphne. Alam naman niya iyon kaya nahihiya rin siya. Pero gusto niya talaga si Jaxon. Gagawin niya ang lahat para ma-recopricate rin ang nararamdaman niya.

"Ayaw lang kitang mas masaktan pa, Daphne. I'm not capable of love. Kapag hinabol mo pa ako ay wala ka rin naman na mapapala sa akin. Kaya mas mabuting habang maaga pa ay itigil mo na ito,"

"No. Naniniwala ako na kaya mo pang magbago. Alam ko na ang kuwento niyong magkakapatid. At tignan mo nga sila at nakahanap na ng lifetime partners. You can be like that. We can be good together..."

Pumikit si Jaxon. "Daphne..."

Hinawakan ulit ni Daphne ang kamay ng Doctor. Pinisil niya iyon. "Please, Doc. Pagbigyan mo na kasi ako. Let's try for a week. 'Wag mo akong iwasan, makipag-date ka sa akin kapag free ka. Kapag hindi pa rin nagbago ang nararamdaman mo sa akin within that week, titigilan na kita,"

Tinitigan siya ng Doctor.

"Will that be okay?"

"Will you promise to stop chasing me if it doesn't work?"

Tumango si Daphne. Natatakot siyang baka kulang pa ang isang linggo. But again, she has to let the fire of hope spread into hers. Sa ngayon kasi, iyon na lang talaga ang nakikita niyang solusyon.

And on that day, they had a deal.

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now