10

10.9K 266 16
                                    

"THE BEST ka talaga, Kuya! I love you!" Niyakap at pinugpog ni Daphne ang Kuya Dwight niya. Masaya siya kasi medyo hindi niya inaasahan ang pagsulpot nito. Nang tawagan niya kasi ito kagabi ay hindi niya sinabi ang pinakadahilan. Basta ang sabi niya ay umuwi ito ng bahay nila ngayong umaga. May sarili na kasi itong condo unit at doon ito nakatira. Umayaw ito sa gusto niya dahil may pasok raw ito. Pero mukhang hindi siya kayang hindian ng kapatid.

"I love you, too." Niyakap rin siya ng kapatid. Nang mapaghiwalay sila ay tinitigan siya nito. "Ano ba kasi ang dahilan bakit mo ako pinapunta rito?"

Hinila niya ang kapatid papunta sa kusina. Kinuha niya sa ref ang mga ingredients na gagamitin nila.

"Gusto kong turuan mo akong magluto,"

Tumawa ang Kuya niya. "Seryoso ka ba?"

Pinandilatan ni Daphne ang kapatid. Pumamaywang rin siya. "Alam kong madami akong naging palpak noon. But I have to try and try until I succeed,"

"Hopeless case ka," Tinawanan pa rin siya nito. At hindi naman niya ito masisisi. Kung gaano siya kagaling mag-bake, ay siya namang sama niya sa pagluluto. Ewan ba niya pero madalas kung hilaw ay sunog ang luto niya. Ilang incident na rin ang nangyari nang subukan niyang magluto ay muntik ng masunog ang bahay nila.

"Errr, dali na! Basta gusto kong matuto. Kapag hindi ako nakapagluto ng masarap, kasalanan mo,"

"Para saan ba at nag-iinarte ka?"

"Gusto kong ipagluto si Jaxon,"

Alam na ng Kuya niya ang tungkol sa panliligaw niya sa lalaki. At sa pamilya niya, ito lang ang nararamdaman niya ng pagkatutol. Pero naiintindihan naman niya iyon dahil bata pa lang siya ay talagang protective na ito sa kanya. Kaya nga nag-alinlangan siyang sabihin talaga ang dahilan kung bakit niya ito inistorbo. Pero ito lang rin naman kasi ang maiistorbo niya sa gusto. Isang chef sa isang five star hotel ang Kuya niya. He's one of the best when it comes to cooking. Sigurado siyang matutulungan siya nito.

Sumimangot ang kapatid. "Baliw ka talaga sa lalaking 'yun,"

"You can call me that but I still don't care. Gusto kong pagsilbihan pa siya at doblehan ang effort ko. After all, nalaman ko na may allergy pala siya sa itlog. Kakaunti lang ang pastry recipe na alam kong hindi ginagamitan ng itlog kaya naman gusto ko sanang mag-try ng ibang method na siyempre, kagaya ng kayna Mommy at Daddy,"

"Ewan ko sa 'yo. Kung si Achilles na lang ang minamahal mo, hindi ka na mag-e-effort pa," wika nito na ang tinutukoy na Achilles ay ang best friend nito at matagal ng may gusto sa kanya. Ilang beses na rin itong nagtangka na manligaw. But she declines him everytime. Mabait naman ito, matalino, guwapo at mukhang sweet. May maganda rin itong trabaho bilang businessman. Kaya lang, parang kapatid lang rin ang turing niya rito.

"Suportahan mo na lang ako, okay?"

"Ano pa nga ba?" Iiling-iling na wika ng Kuya niya. "Naka-leave na ako sa trabaho para rito,"

Halos magtatalon sa tuwa at napapalakpak si Daphne. She really loves her family. Kahit alam niyang ayaw ng Kuya niya sa ginagawa niya, tinutulungan pa rin siya nito. For her, that will be considered as a great love.

Sana nga lang, kagaya ng pamilya ay makitaan rin niya ng kahit kaunting pagmamahal sa kanya si Doc Jaxon. And she wishes it to be soon. Masakit rin kasi na mag-effort pagkatapos ay wala ka man lang kahit kaunting pagtingin na nakukuhang kapalit.

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now