14

10.4K 265 32
                                    

JAXON had been in a numerous number of dates. Pero ito yata ang unang beses na kinabahan siya. Ang awkward rin kasi ng sitwasyon. Sa halip na siya ang sumundo sa babae, si Daphne pa ang susundo sa kanya. Ilang beses naman niya itong pinigilan at inalok na siya na ang susundo rito. Pero iginiit pa rin nito na sasakyan nito ang gagamitin nila. After all, ito raw kasi ang nanliligaw. Ito daw dapat ang gumastos, mag-effort at dapat na mapagod.

Alas nuwebe ng umaga nang dumating si Daphne sa bahay. Sinalubong na niya ito sa gate. Bumaba ito ng sasakyan at namula siya nang bigyan siya nito ng isang dosenang rosas. Parang siya tuloy ang napapahiya.

"You don't really have to do this. I'm not a girl to appreciate flowers,"

Tumawa ito. "Maybe. Pero para ka kasing babae na magpa-bebe, eh,"

Hindi ko lang kasi gusto ang mga ginagawa mo, nasa isip ni Jaxon na isagot. Aminado si Jaxon na napilitan lang siya na makipag-date kay Daphne. Nakokonsensya na rin kasi siya. Pati health ng babae ay nadadamay pa dahil sa pambabalewala niya rito. Bukod pa roon, gusto rin kasi niyang tigilan siya nito. Sana lang talaga ay maging true ito sa promise nito.

Pumunta si Jaxon sa pintuan ng driver seat. "Ako na ang magda-drive,"

Umiling si Daphne.

Pinandilatan niya ito. "Ako na. Sinisira mo na ang macho figure ko. Gentleman rin naman ako kahit papaano,"

"Sa isang kondisyon: hindi ka aangal sa klase ng date na gusto ko,"

"Fine," sabi na lang niya para matapos na.

Masayang umupo si Daphne sa passenger seat. Nang i-start na niya ang engine ay tinanong niya kung saan sila pupunta.

"Slex, pagkatapos ay exit ka ng Sta. Rosa,"

"Tagaytay?"

"Hmmm... Mamaya mo malalaman," Kinindatan lang siya nito at nanahimik na. Nagpatutog ito ng mga love songs. Kumanta-kanta pa ito. Maganda naman ang boses nito, kaya lang ayaw niya kasi talaga itong paasahin. Napaka-romantic nito at napakahirap tuloy na saktan.

Nang dumating sa Sta. Rosa ay hindi daan pa-Tagaytay sila dumaan. Sa halip, sa Enchanted Kingdom sila nagpunta. Napangiwi si Jaxon. She is not just romantic. She is also childish.

"Excited na ako!" wika pa ni Daphne bago sila makapasok ng park.

"Is this your first time?"

Tumango si Daphne. "And I'm sure it will be very memorable,"

Hindi sumagot si Jaxon. He doesn't like these things. Pero nakapangako na siya kaya pumayag na rin siya.

Nang makapasok sa amusement park ay nagyaya muna sa mga "child-friendly" na rides si Daphne. Mukhang enjoy na enjoy naman ito. Nang makakain sila ng lunch ay saka naman nagyaya si Daphne sa mga thrilling na rides. Sumakay sila sa Anchor's Away.

Noong una ay okay naman si Daphne. In fact, all smiles pa ito habang mabagal pa ang takbo ng ride. Pero nang bumilis na iyon at lumakas ang effect ay halos hindi na ito gumalaw. Hindi na rin ito sumisigaw. Nang tignan niya ito ay namumutla ito habang matindi ang kapit sa bakal na hawakan. Parang namutla rin tuloy siya kahit hindi naman siya masyadong nati-thrill sa ride.

"Ayaw ko na. Ibaba niyo na ako please," nagsimula nang umiyak si Daphne. Nagpanic naman si Jaxon. Naawa siya sa babae. Mukhang nahihirapan na ito. Halos sumigaw na tuloy siya sa staff para ibaba na sila sa ride. But he knew it will be impossible that it will suddenly stop just for the request.

"We will be okay. Kaunting tiis na lang. Nandito ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaan," wika ni Jaxon para pagpapakalma sa babae. But it didn't work. Hanggang sa matapos na ang ride ay umiiyak pa rin ito. Hindi na niya alam kung paano patatahanin ito hanggang sa makakita siya ng isang indoor game na may nakasabit na stuff toys. Dahil para namang bata si Daphne, naisip niyang baka puwede rin itong i-bribe na parang bata.

"Do you want that toy?"

"Prize naman yata 'yan, eh." Humihikbing wika ni Daphne.

"Yeah. But I'll try to win to get it for you..."

"Hmmm..."

"Let's try," niyaya niya si Daphne roon. Nagbayad siya para makapaglaro. Humihikbi pa rin ito pero hindi na ganoon kasama kaysa sa kanina. Nang manalo rin siya sa ika-lima niyang try sa laro ay ngumiti na rin ito. As promise, he gives her his prize. Pinili nito ang malaking dog stuff toy.

"Wow, first date pa lang natin, may anak na tayo," Niyakap pa nito ang stuff toy.

"Anak?"

"Yes. Kadalasan sa mga kakilala kong couple, bine-baby ang stuff toy na binibili nila sa isa't isa. So this dog, is our baby..."

"That's childish,"

"That is sweet," Hinalikan ni Daphne ang stuff toy na aso. "From now on, I will call him Junior. My Jaxon Junior,"

Napailing-iling si Jaxon. Ayaw na niyang makipagtalo. Naintindihan na niya na sarado rin ang isip ni Daphne. Sa halip, pinanood na lang niya ito kung paano i-baby ang stuff toy. Pero ewan ba niya kung bakit parang nag-init ang puso niya sa nakitang pag-aalaga nito roon. Parang bigla rin niyang naisip si Daphne na inaalagaan ang anak nito---nila. She looks like she will be a good mother. At ganoon rin siguro ito bilang asawa. Napakasuwerte ng mapipili nitong asawa. Napakasuwerte ng magugustuhan nito.

Napakasuwerte ni Jaxon.

Lalong napailing si Jaxon. Inalis niya sa isip ang mga naisip. Ayaw niya nga na magkaroon ng seryosong relasyon 'di ba? Ano pa ang asawa? Ang magkaroon ng anak? Ang magkaroon ng pamilya?

Hindi gagaya si Jaxon sa mga kapatid niya. He is okay living the bachelor's life.

Pero bakit nga ba siya binibigyan ni Daphne ng mga ganoong thought?

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now