30

8.1K 186 17
                                    

PUWEDE ka bang ligawan ulit?

Bittersweet ang ngiti ni Daphne nang makita ang message na gustong ipalagay ng customer nila bilang dedication sa cake na pinaggawa. Hindi naman bago sa kanya ang gumawa ng cake pagkatapos ay may sweet dedication. In fact, kinikilig pa nga siya kapag may ganoong request. Kinikilig rin naman siya ngayon. Nabi-bitter nga lang siya dahil nahiling niya na sana, para sa kanya ang cake.

But Daphne learned her lessons the hard way. Ilang beses siyang umasa at nagpakatanga. Paulit-ulit siyang nadapa pero hindi siya matututo na kahit kailan, walang pag-asa ang pagsinta niya kay Jaxon. Okay lang naman na umasa, 'wag lang talaga mga bagay tungkol sa lalaki.

Daphne has to moved on and be happy. Yes, it was her first time to fall in love. At sabi nga ni Achilles, love is a gamble. Either you lose or you win. Dapat ay tanggapin na niyang talo siya. Maging masaya na lang sana siya sa um-order ng cake.

Nang matapos ang cake ay personal na dinala niya iyon sa counter. Papasok na ulit siya sa baking area nang may pumasok sa shop. Napatingin muna siya sa pinto. Ilang beses siyang napakurap nang makitang si Jaxon iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" Hindi nakatiis si Daphne na harapin ang lalaki.

"Is the cake ready?" Tumingin ito sa cake na inilagay niya sa counter. Ngiting-ngiti ito. "Oh, I see that it is."

"Ikaw ang nagpaggawa ng cake na 'yan?"

Tumango si Jaxon. Mas lumapad ang ngiti. "Nagustuhan mo ba?"

Napanganga si Daphne. Ibig ba nitong sabihin ay para sa kanya ang cake?

Natawa si Jaxon. "Mukhang nagustuhan mo nga. Sobra. You are so stunned..."

"P-para sa akin ba talaga ito?"

"Gusto mo bang ibigay ko sa iba?"

Umiling si Daphne. Napaiyak siya. "Nanaginip yata ako..."

Nilapitan siya ni Jaxon. Pinahid nito ang mga luha niya. "Of course not. I'm real. My feelings for you are real..."

"Pinagtabuyan mo na ako..."

"And that's the greatest mistake of my life," Huminga nang malalim si Jaxon. "Mapapatawad mo pa ba ako, Daphne? Puwede mo pa ba akong bigyan ng panibagong pagkakataon?"

"Hindi naman nawawala kaagad-agad ang pagmamahal,"

Nagliwanag ulit ang mukha ni Jaxon. "M-mahal mo ako?"

"Mahal pa rin kita," Ngumiti si Daphne. Niyakap niya si Jaxon. "At sa tingin ko, kahit kailan ay hindi yata mawawala iyon..."

Naramdaman ni Daphne ang panginginig ni Jaxon nang ibalik nito ang yakap. Nabasa rin ang balikat niya. It just means something---he is crying!

"I think, I feel the same way, too. Sinubukan kong gawin ang lahat ng paraan para kalimutan ko. But I simply can't. And I'm so stupid to even try to forget you. Pinahihirapan lang kita, ang sarili ko, ang sitwasyon natin..." Huminga ulit ito nang malalim bago kumalas sa yakap niya. Sinalubong nito ang mata niya. Nakumpirma nga ni Daphne na umiyak nga ito dahil mamasa-masa iyon. "Pero magbabago na ako ngayon. For the better. Liligawan kita at hindi ako mapapagod kahit daan-daan pa ang makalaban ko para sa puso mo,"

"That's a no," Nakalabi na wika ni Daphne.

"B-bakit?" Namutla si Jaxon.

"Hindi mo na kailangang lumaban. Wala ka ng kalaban," ikinuwento ni Daphne ang naging usapan nila ni Achilles. "At hindi mo na kailangang manligaw. Sinasagot na kita. I love you. I'm all yours now,"

"Parang hindi ko yata gusto 'yan. Gusto ko pa rin na ligawan ka..."

"Hmmm... Puwede ka namang manligaw kahit tayo na, ah."

"Hmmm..." Napahawak si Jaxon sa baba nito at napangiti. "Well, that's a better idea..."

Ngumiti rin si Daphne. Tumingkayad siya at saglit na hinalikan ito sa labi. "And you're a better man,"

Hinalikan ulit siya ni Jaxon. This time, it was long and and wilder. "And we will have the best relationship."

Daphne can't help but looked forward for a good future together. Sa pagkakataon kaya na iyon ay puwede na siyang umasa ulit? Sana. Sana talaga...

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now