TWENTY TWO

25.7K 1K 790
                                    

Umaga sa unang araw ng Agosto, naalimpungatan ako na iniisip ang lumipas na tatlong araw na walang kinakausap, nagkukulong sa bahay at walang Angelov. Even my therapist has never heard of the last of me. Habang tumatagal ay dumadalang ang mga pag-uusap namin. It made me assume and convinced myself that for the past days without the phonecall sessions, it could only mean that I am gradually getting better.

I also didn't bother check my cellphone. Bumibigat ang loob ko sa tuwing dinudungaw ito na wala ni unknown number man lang mula kay Sydney. I haven't been able to have a proper sleep since I saw her that night, damaged and helpless. Kahit saan na dumadapo ang mga hula ko sa maaari niyang puntahan o ang mas malala, pinagtataguan. She is evidently dead set on cutting ties with everyone so this made me so sure that she is indeed hiding from somebody!

And Angelov... To be honest, I hate to anticipate that one of these days, he'd contact me. Hindi naman siguro iyon kasali sa mga pinagbabawal ni Ate. Pero may mga minsan na ring natatagpuan ko ang sarili na tinititigan ang numero niya para mangumusta. But I just couldn't draw in some guts to do it.

Mabigat na hangin ang hinila ko sa aking dibdib. This is exhausting. Not doing anything, not a bare minimum and yet the thoughts that weigh too much in my head are taking tons of me to bear and move. Ayaw ko nang bumangon. But how could I even accomplish anything if I just merely stay in this bed all day long?

Isa pa, kailangan sanayin ko na ang sarili na bumangon nang maaga. Naisakatuparan na rin kasi ni Ate ang balak na ma-enroll ako sa nalalapait na pasukan. She landed me an education in a TESDA accredited school. Her patience just couldn't hold enough until September so she took it upon herself to find a school that caters to the course I want and with an earlier date of classes.

Mas mabuti na rin siguro ito kaysa naman igiit ang kurso na ayaw ko. Ngunit kung mangyari man iyon, hindi na rin ako tututol. Besides, I only deserve it. At dahil nga ito ang itinanim ko sa isip ay simula noong insidente, hindi ko na rin gaanong kinikibo si Ate Merewald. Hindi naman sa may galit o tampo, sinusunod ko siya dahil pakiramdam ko ay wala na akong karapatang umangal pa.

"Ito ang bayad sa enrollment. Ang sobra niyan ay pamasahe mo pauwi. Do you know how to commute?"

Tinitigan ko ang mga perang papel sa mesa habang nagpapatayan na ang mga kamay ko sa aking hita. Magkatapat kami ngayon ni Ate at pinag-uusapan na ang nalalapit na pasukan.

"No..."

Huminga siya nang malalim. Ani pa niya ay ihahatid niya raw ako sa school pero hindi masusundo. May staff meeting sila kaya maagang papasok sa ospital.

"How did you drive to school when you were still university? You've never commuted once in your life?" she asked with an all ready criticism dripping in her eyes.

"Hinahatid po ng driver. Pag uwi, sinusundo."

"As per Graciella's order? O ikaw ang nagpapasundo?"

"Mm--" The word Mommy is boiling in my throat." Graciella."

She sighed again, heavier and more disappointed this time. "Paano kung walang driver, paano ka nagpapahatid at sundo?"

"It never happened."

Tahimik niya akong tinitigan. Her eyebrows were slightly pinched together like she's heavily bothered by my lack of social experience. Bukod doon, hindi ko alam kung awa pa ba ang nakikita ko sa kanya o nagtitimping panghuhusga na.

"Ano bang mga tinuturo sa 'yo? Doon sa malaking bahay."

Nagkibit ako. "Magpapayat. Magpaganda."

She rolled her eyes and snorted. "Kaya naman pala."

From the critical look, It felt like she is starting to associate me with Graciella. Na para bang sa isip niya ay lalaki akong tutulad sa aming ina. I helplessly bit my nails because of that thought.

OBSIDIAN ISSUE #2 : WOUNDEDWhere stories live. Discover now