Chapter 41.2 [Past and Future]

43.3K 678 58
                                    

Chapter 41.2

[Past and Future]

 

"Uh..." Awkward na sabi ni Kurt. Kanina pa kami ganyan, walang mapag-usapan. Natatapos agad kahit anong topic yung masimulan. Nasa MOA kami ngayon, kumakain sa isang restaurant.

Ganito siguro pag iniiwasan yung dapat talagang pag-usapan.

 "Kurt.. sabihin mo nga yung totoo. Bakit mo tinapos yung satin? Bakit.. p-paanong naging si Janice ang fiancee mo?" diretso kong sabi. Ayoko nang magpaligoy ligoy.

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya.

"Naguguluhan ako. Napapagod na ko. Hindi ko na alam yung totoo!"

"Trust me please. Gagawa ako ng paraan."

"Paraan? Para saan? Bakit ba.. lagi mo na lang sinosolo yung lahat ng problema? Kelan mo ba ko pagkakatiwalaan para tulungang kang ayusin yung lahat.. para sa'tin?"

"Ayaw kitang masaktan."

"Hahaha. Oo! Kasi hindi ako nasasaktan ngayon. Hinding hindi talaga!" sabi ko sa kanya sarcastically. "Pag nakikita kitang kasama si Janice, hindi ako nasasaktan. Kapag naiisip ko na wala ng 'tayo', hindi ako nasasaktan. Nung narinig ko yung sinabi mo kanina, hindi ako nasaktan!"


"Y-yumi---"

"Janice! Yun yung fiance mo di ba?" Napatigil kami pareho ni Kurt yung marinig namin yun.

Nagkatinginan kami.

Alam namin pareho yung ibig sabihin nun.

"Uh.. yeah." Narinig kong sabi ni Janice.

"Tara! Puntahan natin!" sabi ulit nung mga kaibigan niya.

"Huh? uh.." Tumingin ako sa kanila at nakita kong nakatingin din sakin si Janice. Halata sa mukha niya na hindi niya alam kung paano magrereact dahil sakin tapos naiinis din siya, siguro sa mga kaibigan niya kasi mapilit sila o sakin mismo kasi.. kasi kasama ko si Kurt?

"Halika naaaa." Tapos hinila siya nung mga kaibigan niya papunta sa table namin ni Kurt.

"Kurt-oppa! ^________^" Ngiti ni Janice kay Kurt.

Tumingin sakin saglit si Kurt bago tumayo at tumabi kay Janice sabay ngiti sa mga kaibigan niya.

"Kamusta?" --Kurt.

"Waaah. Ikaw po pala yung fiance ni Janice! *O*" --girl 1

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon