Chapter 12.1 [Stolen Moment]

62K 1K 68
                                    

Chapter 12

[Stolen Moment]

(Yumi's POV)

"BESSYYYY! TARA'T GUMALA! ^___^" Sigaw ni Jade pagkalabas nung huling teacher namin.

Nagulat yung mga kaklase namin. Haha. As in Literally nagulat.

"EEEHHH. Next time na lang?"


"Why oh why? Next time! Lagi na lang next time! > 3< " Tapos pabiro niya akong inirapan. Tapos biglang nagbago yung mood niya at humarap sakin ng may nakakalokong ngiti habang taas baba yung mga kilay niya. "IKEEE. Bibisitahin si Mushroom of your life noh?"


"Mushroom of my life ka dyan -___-"


"PSH. Alam mo Yumi, gusto kitang inuntog sa pader." biglang sabi ni Jade. 

"ANO?"

"Palagay mo bakit naospital last week si Prince Kurt? Naniniwala ka talagang nadapa yun?"

"Hindi ah -___-"

"YUN NA NGA! Hindi mo pa negegets kung anong nangyari sa kanya?"


"Nakipaglaban nga! Sumugod sa kung saang gang mag-isa.. Eh gangster yun."

Inirapan na naman ako ni Jade. Problema nito. "AY TEH! TUTUKLAWIN KA NUNG AHAS OH! AYAN NA! HINDI MO PA RIN NAGEGETS."

Nalilito ako sa mga sinasabi ni Jade. Wala akong maintindihan. =0=

"Reyna ka ng pagong, alam mo ba yun?"

"Anong connect ng pagong?"

"AYNAKU. Nakakastress ka ng bangs Bes! Napaka-slow mo! Isipin mo kaya yung nangyari habang nililigtas ka ni Prince Kyle mong pinakamamahal huh? SIGE BABOO!"


"AY! San ka punta?"


"Maghahanap ng lablayp! Naiinggit ako sa haba ng hair mo!" Tapos tuluyan ng umalis si Jade. HAHAHA. Baliw talaga yun.

Ayyy. Wala akong naintindihan sa mga pinag-usapan naman ni Jade.

Hayaan na nga.

Lumabas ako ng school namin at sumakay ng taxi. Kahapon lang kasi nakalabas ng ospital si Kurt  sabi nung kambal niya kaya bibisita lang ako. Hindi ko na kasi siya ulit nabisita habang nasa ospital siya.

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon