Side Story [His Side]

48.7K 698 112
                                    

Sorry natagalan mag-update. Swear, Sobra sobrang writer's block ito. Kahit anong pilit ko hindi ko matapos yung chapter 41. Nabuwisit tuloy ako at eto ang tinype ko. Hahaha xD Feeling ko na okay na naman na i-upload 'to. XD Sabi ko, ayoko na ng chapters na masakit sa puso, pero eto lang yung kaya ko ngayon. =)))))

So yeah, hmm.. sino kayang mas nasaktan? Si Yumi o si Kurt? =)))) 

Oh btw, continuation 'to ng Chapter 34.2 Yung sinuntok si Kurt ni Lolo niya. :D

Side Story:

[His Side]

 continued from chapter 34.2 [Together]


(Kurt's POV)

"Mag-usap tayo." sabi ni Lolo pagkatapos niya akong suntukin.

Galit na galit siya.

Dati pa ayaw na niya sakin. Pasaway daw kasi ako. Walang kwenta ako. Ako may kasalanan sa pagkamatay ni Kuya Kenneth. Pero yung galit niya ngayon, mas matindi pa sa lahat ng yun.

Nagsimulang maglakad si Lolo papunta sa study room ni Papa. Tumayo ako at sumunod sa kanya.

"Lolo." sabi ni Kyle habang sumusunod samin.

"Diyan ka lang, Kyle." --Lolo.

Napatingin sakin si Kyle. Ngumiti ako sa kanya tapos tinapik siya sa balikat bago sumunod kay Lolo sa study room.

"ANO SA TINGIN MONG GINAGAWA MO?!" sigaw sakin ni Lolo.

"P-po?"

"ANO ITO, KURT?!" 

Sht! What the hell?! Bakit.. bakit may video si Lolo nung nangyari kanina?!

Rinig na rinig pa sa video yung pag-amin nung Philip na yun na siya yung bumaril kay Kuya Kenneth.

Sht. sht lang! Hindi 'to dapat nakita ni Lolo. Hindi niya 'to dapat nalaman.

"May plano ka bang sabihin sakin yung tungkol dito?!"

Hindi ako sumagot. Kasi ang totoo, wala naman talaga. Madamot na, selfish na. Pero ngayon lang, gusto kong isipin yung sarili ko, yung kami ni Yumi.

"YOU BASTARD!" sigaw sakin ni Lolo. Yumuko lang ako.

"How.. how could you do this?! Dahil ba dun sa babaeng yun? Yung walang kwentang babae na pinsan ng mamamatay tao na 'to?! Kakalimutan mo ang Kuya mo?!"



Oo, Lolo. Gagawin ko yun. Kasi minsan, mas magandang kalimutan yung nakaraan para sa ngayon at sa bukas. Kasi alam ko, mapapatawad ako ni Kuya sa ginagawa kong 'to.

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon