Chapter 9 [Smitten]

70.8K 1.1K 149
                                    

Chapter 9

[Smitten]



2 days to go before the play! 

Pero bago ang lahat kwento ko muna yung plot ng play namin. Actually, sobrang cliche siya. Julia at Alex yung pangalan nung main characters. Classmates sila. Nung una, magkaaway. Then, naging magkaibigan and eventually, nagkagustuhan. Tapos nalaman nila na magkaaway yung parents nila sa negosyo at pilit silang pinaghiwalay. Yung parents ni Alex, tinakot nila yung anak nila na sasaktan si Julia pag di siya nakipaghiwalay. So, nakipaghiwalay naman si Alex at sinabi niya kay Julia na may iba na siyang mahal. Dahil heartbroken si Julia, pumunta siya sa ibang bansa. Ang ending, nagkasundo yung parents nilang dalawa dahil nakita nilang nahihirapan yung mga anak nila. So, si Alex, sinundan niya si Julia sa ibang bansa at nagtatapos ito sa isang sobrang cheesy na eksena kung saan hinarana ni Alex si Julia. See.. Very common. -__- 

Oh well. At least hindi ako kasama sa cast :D

So ayun nga, dahil 2 days na lang bago yung play, busy na ang lahat. Nandito kami ngayon sa school kahit Saturday at inaayos ang props at nagpapractice. Sa ballet room kami gumagawa dahil hindi naman ito ginagamit. At isa pa, sina Kyle naman yung may-ari ng school so walang problema. Haha.

"I'm sorry Julia.. I don't love you anymore. Let's break up."

"W-what? A-alex.. Nagbibiro ka lang di ba?"

Nga pala nandito ako sa isang tabi, nagppaint ng isang background na ginagawa namin habang nanonood nung practice. Si Kyle yung gumaganap na Alex, pinilit siya ng lahat ng babaeng nangangarap na maging leading lady. Yung girl naman na leading lady, nabunot siya sa draw lots para daw fair kasi ang daming gustong makapartner si Kyle. Parang raffle lang eh. Hahaha.

"Okay next scene! Yung parents naman! Uhm.. P-prince Kyle, pahinga ka muna. 0/////0 " Sigaw nung gumaganap na director.

Tumango si Kyle tapos naglakad papunta sa pwesto ko? ata?

 Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng brush at nagpaint din siya nung malalaking cut-outs ng stars na props namin para sa last scene.

"Hmm.. Alex? Ako? Too cheesy. Tsk tsk." Biglang sabi ni Kyle. Tinakpan ko yung bibig ko para mapigilan yung pagtawa ko. Hahahaha. Ang kulit kasi nung hitsura ni Kyle.. feel na feel niya yung pagkakasabi.

Tumingin sakin si Kyle at ngumisi. "Hindi bagay, di ba?"


"Hmm..." Tapos nagkunwari akong nag-iisip. Pinanlakihan ako ni Kyle ng mata na parang nag-wawarning. Hindi ko napigilan yung sarili ko at napatawa ako ng malakas. Remember, natatawa din ako pag lumalaki yung mata ni Kurt? Ang kulit kasi talaga. Mukha silang singkit na nagpupumilit na palakihin yung mata. Hahaha.

"Ehem! Tahimik naman diyan please!" Pagpaparinig nung director. Sheesh. Selos lang yan. Haha.

"Yan kasi.. pinagtatawanan ako." singit ni Kyle.

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon