Chapter 41.1 [Past and Future]

45.6K 693 63
                                    

Chapter 41.1

[Past and Future]

(Yumi's POV)

"Di kita bibitawan."

"Sana tayo na lang ulit."

"Don't give up..."

Tama bang hindi bumitaw? May chance pa nga ba kami? Pero si Janice? Paano si Janice?

Umupo ako sa kama ko at tinignan ko yung box na binigay niya sakin kanina.

Dapat ibalik ko na sa kanya 'to di ba? Hindi healthy para sa puso ang tumanggap ng regalo mula sa ex =____=

Tsk. Para namang kaya ko.

Binuksan ko yung box.

Music box. Isa siyang music box.

Meron siyang isang malambing na tugtog, isang lullaby.

At imbis na stage, isang rooftop yung nandun. Sa gitna, walang prinsesa at prinsipeng nagsasayaw.

Isang babae lang na nakatshirt at skirt at yung lalaking may brown na buhok na naka-polo at sa taas ng isang white shirt at jeans. Meron ding maliit na aquamarine stone na kumikintab sa tenga nung lalaki, isang hikaw. Meron ding maliit na headset na pinaghahatian nung babae at lalaki.

Kami. Kami 'to.

Napangiti ako habang iniisip yung nangyari nung gabing yun. Hahaha. Abnormal kasi ni Kurt eh. Umamin nga, naghapon naman. Haha.

Haaay. Nakakamiss. Miss na miss ko na yung kami, yung dati.

Dahil sinabi mo, sige, I won't give up. Kahit naguguluhan ako. Kahit masakit. Hindi ako bibitaw.

* * *

*yaaawn*

  

"Good morning Yumi." --manang.

"Good morning po."

"Naku, hija. Advance ha? Birthday mo na bukas, di ba? Anong plano mo?" sabi ni Manang.

Oo nga pala. O___O Birthday ko na bukas. mag-seseventeen na ako! Woah. Ano ba yan, sa dami nang mga nangyayari, nakalimutan ko pa birthday ko!

"Plano po? Uhm.. Konting handaan lang po siguro kasama sina Jade."

"Sige, ipaghahanda kita bukas, hija." Ngumiti naman ako kay Manang at nag-"thank you". Parang pangalawang mama ko na din siya kasi siya yung nagpalaki sakin halos. Kahit nung pumunta kami ng England kasama pa din siya. "Ay Yumi! May bisita ka nga pala sa labas. Pinapapasok ko nga kaso maghihintay na lang daw siya dun. Naku, ilang oras na nga yun dun eh!"

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon