Chapter 14 [Five Minutes]

55.3K 932 196
                                    


This is a very short chapter :)

Chapter 14

[Five Minutes]

(Yumi's POV)

Sinundan ko si Kurt papasok sa may high school building. Echusera ako eh. Haha. Joke.

Tuloy tuloy siya paakyat hanggang makarating sa may rooftop na lagi naming tambayan.

Nung makarating na rin ako sa rooftop, naabutan ko siyang nakasandal sa may railings sa gilid at pinapanood ang nagaganap na dance night sa baba.

Ako naman, nagala yung paningin ko sa paligid.

Kung masarap tumambay dito pag araw, mas lalo naman pag gabi. ^0^

Kitang kita mo yung langit na punong-puno ng stars tapos kita mo rin yung mga nasa baba. Ang ganda tignan ng ilaw mula sa baba dito sa taas. 

"Boo."

"KYAAAAAHHHH!"

ay lechugas >.< Ako na nga ang sumunod ako pa din ang nagulat. Ako dapat ang manggugulat eh. >__<

Tinakpan ko nga yung tenga ko ng kamay ko.

Si Kurt kasi eh! Yung pagkakasabi niya nung 'boo' niya, parang hinihipan ng malakas tapos sa may tenga ko pa talaga. 

"Oh? Anyare sa'yo? = o = " --Kurt

"Heh! Nasulpot ka na naman bigla eh."

Nagshrug lang siya tapos naupo. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Kayo na?" biglang tanong ni Kurt. Hanu daw?

"Anong 'kayo na'?"

"Kayo na... ni Kyle? Sinagot... mo...?" Para siyang nag-aalangan na sabihin yung bawat word.

"Oy! Hindi pa ah -___-" Eh. Ano ako easy to get?

"Ah.. Hindi PA?" tanong ni Kurt. Hindi siya nakatingin sakin. Sa langit siya nakatingin eh. Yun na lang kaya kausapin niya? Haha. JUK xD

Eh bakit ba kasi merong 'PA' yung sinabi kooo? :O

"Uh.. yeah?"

"So.. May pag-asa?" tanong ulit ni Kurt.

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon