Chapter 18 [Sticky Situation]

58.1K 877 124
                                    

Chapter 18

[Sticky Situation]


(Yumi's POV)

Nasa labas ako ngayon ng cr ng girls. Hinihintay matapos si Jade na magbihis ng PE unifor--Teka, si Sir Felix yun ah?

"Sir! Sir Felix!"

Huminto si SIr sa paglalakad at tumingin sakin. "Oh, bakit Miss Andrada?"


"Ah, sir.. Yung sinabi niyo pong magtututor sakin? Sino pong Mr. Villanueva?"


"Si Kurt Villanueva. Sige, una na ko." Eh? My tutor is gangster > 0>

Ow! May biglang pumitik sa noo ko! ang sakit ah!!

Pagtingin ko, isang nakangising Mushroom at nasa harap ko. "Tsk. Disappointed?" Tapos lumakad siya palayo.

PE TIME.

1-kilometer run/walk kami, nandito lang kami sa gym at paikot ikot habang naglalakad takbo at nirerecord ni sir kung gano kabilis namin matatapos yung 1 kilometer. At dahil mababait kaming estudyante ni Jade, naglalakad lang kami habang nagkukwentuhan. Hahaha. Yung kambal magkasabay sa harap na tumatakbo. Patapos na ata sila?

"Bagal." Tae neto. Akala ko nasa harap. Nasulpot na naman sa tabi ko 'tong Mushroom na 'to > .>

"Kaw na mabilis -___-" Nagsmirk lang siya tapos tumakbo na ulit.

After na few minutes, natapos na rin yung karamihan nung kaklase naming lalaki. Naupo sila sa may bleachers habang nagpupunas ng pawis at umiinom ng tubig. Kami ni Jade, nagsimulang tumakbo na. Dyahe eh, baka mamaya kami na lang matira dito. Hahaha xD

Maya-maya, pumasok sa gym yung section B, yung klase nina Justin. Sila ata yung next na klase ni Sir. Nagyayaan sila nung mga kaklase naming lalaki na maglaro ng basketball.

"Oooh. Exciting!"  sabi ni Jade. "Nood tayo, bes! *0*"


"Eh? Di pa tayo tapos."


"Teka... SIR! WE'RE DONE!" Tumingin samin si Sir at nagthumbs up tapos nirecord yung time. Hahahaha. Wag gagayahin. Haha. Bad. :D "Ayan tapos na tayo! Lika naaaa." At hinatak ako ni Jade sa may bleachers at nakisingit kami doon.

Magkalabang team sina Kurt at Kyle. Syempre, nasa group ni Kurt si Justin tapos si Mico, yung isa nilang gangmate. 

"Ooooh. Rivals hanggang basketball? hihi" --Jade

Ano daw >.>?

"Grabe, exciting talaga 'to! Halos magkasing galing sina Prince Kurt at Kyle eh." --Jade

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon