Chapter 3 [The Gangster Prince]

79.9K 1.4K 75
                                    

Chapter 3

[The Gangster Prince]

Nilalapitan ko yung lalaking nahulog sa puno.

Yup! Lalaki siya.

“Uhh.. Kuya?”

Niyugyog ko siya pero hindi siya gumalaw.*gulp* buhay pa naman ‘to di ba? Humihinga pa naman ata.. T0T

“Kuya! Kuya! Gising!”

“SHIT! WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM??” Kilala ko ‘to ah!

Si Kurt lang pala. -_- Kung saan saan kasi natutulog eh.. Sheesh.

“Wag mo nga akong sigawan! Tsaka ba’t ka ba kasi natutulog diyan sa puno?!”

“Ah. It’s you again..”


“...Strawberry.” Ayan na naman yang Strawberry na yan! GAHHH.

“Sabi nang wag mo kong tawagin Strawberry eh! May pangalan ako!”

Hindi niya ako pinansin at tumingin sa relo niya. Bastos na gangster. >.<

“Damn! It’s 5 already??” Ah, ewan. May sarili atang mundo yung lalaking ‘to.

Tumayo na ako at nagpagpag ng uniform. Uuwi na nga lang ako.

Mag-isa lang ako sa bahay namin ngayon. Nasa England pa kasi yung parents ko. Nauna lang ako para makahabol ako sa first day of classes. Na kung iisipin ko ngayon ay hindi ko na lang sana pinasukan. Laking gulo tuloy.

Malapit lang yung bahay namin sa school. Pwedeng magtricycle at pwede ring lakarin kaya hindi na ako nagpapasundo sa driver namin.

Ang sarap ng hangin! Maglalakad na lang siguro ako.

Dumiretso na ako sa likod nung high school building, meron pa kasing isang gate dun. Mas malapit kasi ‘to sa bahay namin. Medyo nakakatakot nga lang dumaan dito kasi may madadaanan kang abandoned warehouse.

“Hey, Strawberry!” Lumingon ako sa likod. Ano na namang ginagawa nito dito?

“Hoy! Sinusundan mo ba ako?!”

“Nope.” Sumabay siya sa paglalakad sakin.

“Ahhh. Ihahatid mo ko sa bahay? Sorry, hindi ako nagpapahatid sa strangers.”

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon