Chapter 39 [It must have been love]

44.4K 751 110
                                    

Chapter 39 

[It must have been love]

(Yumi's POV)

Three weeks. Three weeks of moving on.

Hindi ko masasabing nakamove-on na ko kasi hindi talaga. Sobrang bilis naman nun kung ganun. Hahaha.

Pero kahit papano, mas maayos na ko.

Hindi na ko gabi-gabing umiiyak. Every other night na lang. Hahaha. Dejoke. Eto seryoso na.

Hindi na ko sabog tulad ng dati. Kahit papano. normal na ulit ako kumilos. Hindi na tulad nung dati na kada-makikita ko sila naiiyak ako. Syempre minsan minsan, umiiyak pa din ako. Lalo pa't pag naaalala ko yung dating meron samin ni Kurt. Nakakahinayang. Masakit. Kasi hanggang ngayon siya pa din eh.

Waaah. Wag nang pag-usapan yung PEELINGS na yan. Dapat kasi diyan tinatapon. Hahaha. Salot sa buhay. Haha. 

Kaya ko na siyang pag-usapan ng hindi umiiyak. Si Kurt. Sila ni Janice. Masakit pa din pero nakakaya ko na. 

Hindi sa kanila umiikot yung mundo. Marami pang mas importante sa kanila kaya't hindi ko dapat finofocus yung sarili ko sakanila kasi ako lang din naman yung masasaktan. Alam ko na yun.

Nakakatuwa kasi laging nandyan si Kyle para sakin. Tinotoo niya yung sinabi niya. Nandyan lang siya sa tabi ko at tinutulungan niya akong maka-move on.

Nung mga times na indenial ako, na umaasa ako na baka bumalik pa si Kurt. Nagtitiyaga siyang makinig sa lahat ng iyak at reklamo ko.

Nung depressed ako, instant crying shoulder siya. Anytime, kahit saan, kapag nalaman niyang umiiyak ako, nandyan lang siya para icomfort ako, para pumunta sa tabi ko.

At pagkatapos nung denial at depression na stages, andyan ang bitterness. Yung tipong gusto ko na lang silang pag-untugin at buhuling dalawa tuwing nakikita ko sila. Hahaha. Nandyan si Kyle para maging stress ball ko. Minsan siya na nakukurot ko pag naiinis ako pero nginingitian pa din niya ako.

Nasaang stage na nga ba ako ngayon? Acceptance? Tanggap ko na na hindi siya babalik at kailangan kong magmove on. Hindi ibig sabihin na hindi ko na siya mahal, syempre minsan umaasa pa din ako pero pinipigilan ko yun. Kailangan tanggapin ko na tapos na ang lahat. Wala nang Mushroom at Strawberry. Kurt at Yumi na lang.

Masakit pa din, oo. Pero ganyan naman talaga yung buhay, di ba? May mga taong umaalis. Kailangan lang tanggapin mo yun sa sarili mo para sumaya ka kahit wala na sila. Kasi kahit pa iniwan ka na nila, andyan pa din yung mga taong nasa tabi mo at nag-aalala para sa'yo. Nye, tama na emo! Hahaha. Mag-iyakan na naman tayo diyan. Ayoko na. Pagod na ang aking tear glands. Susme, na-overwork sila ah! Hahaha. Naka-leave sila ngayon. hahaha XD

"Yumi! Smileee." Tinignan ko si Kyle at saktong ni-click niya yung camera niya.

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Where stories live. Discover now