Chapter 8.1 [A Little Angel]

68.1K 1K 58
                                    


SI KYLE YUNG NASA GILID. HEEHEE.. :))

Chapter 8.1

[A Little Angel]

"Nyoooy! Stgrhawvherriii! Gushsto mnooo?" Translaton: Hoooy! Strawberyyy! Gusto mooo?

"Hindi na =___=" Nga pala, hindi alien yung nagsalita, si Kurt yon.. Nagpapaka-PG na naman habang kumakain ng strawberry. Sasabihin ko sanang cute siya habang punong-puno yung bibig niya nang pagkain dahil para siyang bata pero hindi na dahil inaasar na naman niya ako sa pagkain niya ng strawberry. -___-

Nakatambay kami sa may bench sa fields ngayon. Tatlong araw na yung nakalipas simula nung death anniversarry ng kuya nina Kurt at ngayon na din ang balik nina Jade kaya hinatak ko si Kurt para samahan akong maghintay.

Kung itatanong niyo pala yung nangyari nun sa sementeryo, ayun.. Umiyak si Kurt habang unti unting pumapatak ang ulan.. Pinilit ko siyang sumilong pero ayaw niyang umalis kaya nalunod siya dun. DE, JOKE LANG. Haha. Kay, corny na. Haha. Pero seriously, ibang iba dun yung nangyari. Lam niyo naman si Kurt, isang malaking weirdo, abnormal at baliw. Kaya weirdo, abnormal at baliw din ang mga reactions niya sa mga bagay-bagay. :D

Eto na ang seryosong flashback, hihi..

"Strawberry, kuya ko.." Nakaupo lang siya sa tapat nung lapida at nakatingin doon. Nakakapanibago kasi ngayon ko lang nakita yung side na 'to ni Kurt. Yung side na walang halong kabaliwan o pagka-abnormal. :D Ehem. Sabi ko nga seryoso yung moment dapat eh. hehe.

 

"O-oh.. C-condolence---este--S-sorry... I mean.. Basta yun.." Ngumiti siya. Pero pati yung ngiti niya malungkot.

 

Tumayo siya tapos humarap sakin. Ginulo niya yung buhok ko. "Wag mong intindihin yun."

 

"Ah.. K-kurt? Ano bang nangyari sa.. sa kuya mo?"

 

"Yumi.. Nagka-amnesia ka ba dati?" Ang layo ng sagot niya sa tanong ko. =___=

 

"H-hindi naman."

 

"Pero naaksidente ka na? Nasagasaan? Nahulog? Basta, nabagok yung ulo?" Sumusumpong na naman ang pagka-weird ni Kurt -____-

 

"Hindi. Bakit ba?"

 

"Wala lang. May kamukha ka kasi.." Biglang bumilis yung heartbeat ko. Kinakabahan ako. Hindi kaya...?

 

"S-sino..?"

 

"Wala. Yung alaga kong pusa nung bata ako. hahaha!" +___+ Bwiset 'tong si Kurt. Kala ko pa naman seryoso na! Hindi naman ako mukhang pusa ah! Tapos akala ko pa kanina siya yung.. yung dati. Pero, aish! Ba't ko naman kasi maiisip na si Kurt yun?!

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Where stories live. Discover now