Chapter 13.3 [That Night]

56.1K 878 60
                                    


Dedicated ito sa kanya dahil wala talaga akong planong mag-update kasi bigla akong tinamad sa kalagitnaan ng pagtatype pero dahil chinat niya ako at natuwa ako ay nag-update ako. Hoho~ Wolo long~

Nga pala, basahin niyo naman yung story ni Justin at Rian~ 

Taming the Casanova Gangster yung title. Open niyo yung external link ^u^ 


Chapter 13.3

[That Night]

(Jade's POV)

ANAK NG LAHAT NG PWEDENG MANGANAK OH.

Hahahaa~ Geh, Jade. Tawa pa. Hahahaha~ Baka sakaling pag tumawa ka at nabaliw kakatawa mawala yung sakit dito *turo sa puso*

Ang sakit pala ng first heartbreak?

Nababasa ko 'to dati sa mga istorya pero hindi ko alam na ganito kasakit.

Shet lang. Pakiramdam ko hindi na dapat tumitibok yung puso ko kasi sobrang sakit niya eh.

Masakit kasi sa lahat ng babae... yung pinsan ko pa.

Bakit yung pinsan ko pa?!

Masakit kasi... Ni hindi ko man lang nasabi yung nararamdaman ko. Nakulong na lang tuloy siya sakin. Lalong pinapalala yung sakit.

Hahaha. Dapat kasi hanggang crush lang eh. Dapat hindi lumalagpas doon yung nararamdaman. Para pagmagkaron siya ng iba, hindi ganun kasakit. HINDI GANITO KASAKIT.

Ang malala pa, ni hindi ko man lang mailabas yung mga luha. Ewan ko, hindi ako maiyak. Nasobrahan ata ng pigil. Pigil kasi ako ng pigil kanina ng luha ko habang kasayaw ko si RJ. Yan tuloy, ayaw na ngayon.

Gaga ko talaga.

TAKTE, MARTYR LANG?

Tumakbo pa talaga ako palayo doon sa may fields at pumunta sa may garden ng hs building para walang makakita saking naiyak. 

Kumuha ako nung mga nagkalat na bato doon at ibinato sa kawalan.

"Lech3! @#$%%! ^&*&%%!!!! #@$$%%^*@!!!!! " bato lang ako ng bato at mura ng mura sa kadiliman.

"Ow!" --sabi ng isang boses..

O___O

May tao?

o mumu?

WAAAHH. Please lang, wag mumu! Broken-hearted ako at hindi nagpapasundo sa mumu!

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon