Chapter 35 [Seven Dates]

44K 629 70
                                    

Chapter 35

[Seven Dates]


(Yumi's POV)

Hinuli ng mga pulis si Kuya Philip kinabukasan.

May warrant of arrest sila at sinasabi na binubuhay yung kaso ni Kuya Kenneth. May ebidensiya na daw kasi na nakuha na nagpapatunay na si Kuya Philip ang... dahilan.. kung bakit nawala yung kuya ni Kurt.

Anong naramdaman ko?

Hindi ko alam. Hindi ko na alam.

Ayaw din naman sakin sabihin ni Kuya Patrick yung side nila sa nangyari seven years ago. Ewan ko ba. Pero kahit ano pa man yung mga nangyayari, pinsan ko si Kuya Philip. Syempre kahit papano sinusuportahan ko siya. Dinadalaw namin siya ni Kuya Pat sa kulungan.

Kami ni Mushroom ko? Maayos kami. At least kahit magulo ang lahat... nangyari yung sinabi ni Kurt.. Maayos kami.

Nung Monday at nagkita kami, hinawakan lang niya yung kamay ko at ayos na. Parang nagkaintindihan na kami.

Hindi kami magpapaapekto sa mga nangyayari. 

Susuportahan ko si Kuya Philip, lalaban siya para sa kuya niya. 

Magkaibang side pero maayos kami. 

At isa pa.. sabi niya walang magbabago, di ba? Kaya't walang magbabago samin.

Tulad ngayon.. kulitan pa din. Napagkasunduan din kasi namin na ihiwalay yung mga nangyari sa nakaraan sa kung anong meron kami ngayon. Pag magkasama kami, hindi na muna namin inaalala yung mga tungkol dun. ^O^v

Wag na nating pag-usapan yung tungkol doon, sabi ni Mushroom ko at ni Kuya Pat wag ko na daw intindihin yung tungkol dun. Infairness lang, magkasundo sila sa part na yun. Well.. dati nga pala silang "best buds" or kung ano man yun XD

 MONDAY.

"Pfft. Hahahaha!" --Kurt.

Pinanlikahan ko siya ng mata. Ewan ko dito! Pinagtitripan ako ngayon = 3=

"Hoy! Saya mo naman! Tuwa ka masyado ah!" Nandito kami sa may rooftop. Grabe lang, namiss ko 'tong tambayan. Nakahiga siya at naka-unan sa braso niya habang naka-upo ako sa tabi niya.

"Hahahaha." --Kurt -____-""

Pinanlakihan ko siya ng mata bago binato ng strawberry. Sayang nakaiwas. Oo, STRAWBERRY. Yung prutas. -___- Si Jade kaseeeh >.< Galing daw yung Mama niya sa Baguio at madaming uwing strawberry at yun, binigyan ako. Tuwang tuwa naman 'tong si Kurt na asarin ako. Aliw na aliw lang siya eh.

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon