Chapter 25 [Promise]

60.3K 991 134
                                    

Chapter 25

[Promise]


(Jade's POV)

Haaay. Sa wakas! Nagkaaminan din yung dalawa! Kaloka, kung hindi pa umamin yung dalawang yun, pag-uuntugin ko na talaga sila! HAHA. Lahat na alam na mahal nila yung isa't isa, sila na lang hindi. Susme.

Nandito nga pala ko sa may bonfire. Kasama sina Mia, Glenn, Rj at yung iba nilang mga kaklase. Saling-pusa ako XD Haha. Nawawala yung classmates ko eh. Tapos ayun, kwentuhan kaming girls tapos inuman yung boys. Si Glenn, ang iniinom ay... Dutch Mill, yung yogurt drink!. Hahaha. Healthy lifestyle daw siya. Lol. Pero siya lang ata ang lalaking nakita kong HOT ng hitsura habang nainom ng Dutch Mill. WAAAHHH. ANUBENG SINASABI KO. O.O!

"Girlfrieeeend~" sabi ni Glenn kaya lumingon ako sa kanya tapos may tinapat na snail sa mukha ko!

"KYAAAAHHHH~!" Na-out balance tuloy ako sa sobrang gulat. Dahil mahuhulog na ko doon sa kahoy na inuupan ko napahawak ako sa kwelyo ng tshirt ni Glenn pero pareho lang kaming nahulog.

Ako, nakahiga sa may buhangin. Siya, nasa ibabaw ko.

Sheeeeteee. Ang lapit ng mukha niya! Kitang-kita ko yung labi niyang malambot. Na-aakit ako >///< WAIT. WAAAAHH. Ano bang iniisip ko?!

"WOOOOH~ PDA! HAHAHA!" Kantyaw bigla nung mga classmate nila.

Waaah. Kahiya! Dami nga pala naming kasama!

"Ehem. Sorry." sabi niya sabay tayo at inalalayan na rin niya akong tumayo.

Hindi sinasadyang nagtama yung tingin namin ni RJ. Bakit parang ang lungkot ng mukha niya? Nagseselos ba siya? Hindi. Ayoko na. Mahirap maging assuming na naman. Ayokong masaktan ulit.

* * *

Waaah. Ganda ng buwan ngayon ^U^ Full moon ^U^ Feel na feel ko tuloy ang paglalakad sa sea shore habang nakatingala sa buwan. Ansabeh ng drama di ba? HAHA XD

*BOOM!*

Ow! Chakit sa pwet! Sabi ko nga tumingin dapat sa dinadaanan ng hindi nababangga!

Teka... yung nakabangga ko.. Si RJ...

"J-jade? *hik* Amoy alak siya. Dami ata nitong nainom kanina. > o <

"Uy, Rj!" Tinulungan ko siyang tumayo kasi gegewang gewang na talaga siya. Lasing eh. "Ano ka ba! Bakit ka ba kasi naglasing?!"

Inakbay ko siya sakin para ma-suportahan ko yung bigat niya. At sinasabi ko sa inyo, MABIGAT talaga siya. >.< Yaan na nga! Dalhin ko na lang 'to sa kwarto nila!

"Lasheeeeng? *hik* Di aahhhh~ Tipshi lang ako, tipshi!" Tipsy daw -___- Bitawan kita diyan eh, tignan mo... tumba ka. = o =

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon