Chapter 30 [Jade's Ever After]

50K 848 135
                                    

Chapter 30

[Jade's Ever After]


(Jade's POV)

Dance is a Life. Life is a Dance.

Kailangan mong magpractice para matuto. Minsan magkakamali ka at di makakasabay sa tugtog. At kung susuko ka na lang agad, kahit na kelan hindi mo matutunan sayawin yung tugtog na yon. Hindi ba ganon din yung agos ng buhay? Konting pasensya at wag kang susuko, makakasabay ka din sa agos ng buhay.

Pag nagsasayaw ka, hindi importante ang mapansin ka o ang maraming humanga sa'yo o kung ilan ang napapangitan sa sayaw mo. Ang mas importante ay yung nag-eenjoy ka sa pagsayaw mo at wala kang natatapakan at nasasaktan. Para sakin, ganon ka dapat mabuhay.

[Now Playing : How did you know by Gary Valenciano] 

(Video on the side)

I remember so well

Nasa ballet room kami ngayon ni Glenn. First time naming ipapractice yung talent portion namin. Para siyang dramatic dance na interpretative dance. How did you know yung kanta. Yung choreo namin, gawa nung isa naming kabatch na member din ng dance troupe.

The day that you came into my life

Sa part na 'to. Hinaplos ni Glenn yung pisngi ko tapos umikot siya sakin habang sinusundan ko naman siya ng tingin.

You asked for my name 

You had the most beautiful smile

Ang lahat ng 'to, nagsimula sa napaka-nakakalokong pangyayari. Tinamaan kita ng bato tapos ninakaw mo ang first kiss ko. Sinong mag-aakala na aabot sa ganito? Na kailangan kong mamili sa pagitan mo at ng taong matagal ko ng gusto?

My life started to change 

I'd wake up each day feeling alright

Di ako mahilig magsabi ng problema sa ibang tao, kahit pa sa malapit sakin. Kaya hindi ako sanay na kino-comfort. Pero ikaw, nagawa mong pagaanin yung loob ko ng hindi tinatanong ang problema ko. Tinuruan mo kong i-express yung nararamdaman ko.

With you right by my side 

Makes me feel things will work out just fine

Sa tuwing malungkot ako, nandyan ka para pagaanin yung loob ko.

How did you know 

I needed someone like you in my life

Paano mo nga ba nalaman, Glenn? Paano mo nalamang kailangan ko ng taong masasandalan at makakaintindi sakin nung mga panahong yun?

That there was an empty space in my heart 

You came at the right time in my life

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Where stories live. Discover now