Chapter 26 [He's Back]

57.5K 844 72
                                    

Chapter 26

[He's Back]


"Barbecue?" Biglang sabi ni Kyle na nasulpot sa gilid ko.

"Wooow *O* Thank you!" tapos kinuha ko yung barbecue na inaabot niya.

Tumabi siya sakin doon sa kahoy na inuupuan ko sa may tapat ng dagat. Sa may bonfire, nagsasayahan at nagkakantahan yung mga tao.

"Woi~ San kayo nagpunta ni Kurt kanina? Wala kayo sa tour. Baka nakakalimutan mo SC president to. Haha." Napatawa din ako. Ironic kasi na SC president 'tong si Kyle at number one trouble maker yung kambal niya. Tapos hindi naman niya pinapahamak yung kambal niya kahit kelan. Cute twins ^o^

"Caleruaga Church."

"Ahh.." Sabay kagat niya sa barbecue niya. "Alam mo, nung bata pa kami ni Kurt.. Sabi namin sa isa't isa na yung babaeng dadalhin namin doon ay yung babaeng papakasalan namin." Tapos tumingin siya sakin. "Mukhang kayo na talaga ah. Ako best man ah?" 

"Oo ba! Hahaha." Tumawa rin si Kyle tapos tumingin sa dagat. Ewan ko pero kahit papano nagiguilty pa din ako eh. Kahit ilang beses niyang sinabi na wag na akong maguilty. Paano ba naman, sa lahat ng nagawa niya para sakin, nasaktan ko lang siya. Haaaay.

"Wag kang ma-guilty." biglang sabi ni Kyle. Lakas talaga ng pakiramdam ng isang 'to. "Sabi ko naman sa'yo di ba? Gusto ko din 'to." Tumingin siya sakin tapos ngumiti. "And you know what? I've experienced worse."


"Uhh. Share?"


Tumingin siya sa dagat at mukhang nag-iisip.

"Yung... kapatid ni Ate Claire noh?" 

Tumingin sakin si Kyle na parang gulat. Sabi na eh. May something kasi nung pinag-uusapan nila yung kapatid ni Ate Claire noon sa party.

"Yeah.. She was... my first love and my first girlfriend." Ngumiti si Kyle na parang may inaalalang magandang memory. "Yung typical love story na from bestfriends to lovers? Yun kami. Sabi ng iba kami na daw yung perfect couple kasi compatible na compatible kami tapos kilalang kilala namin yung isa. Akala ko din.. kami na.." Tapos bumuntong-hininga si Kyle. "But then she left.. walang goodbye, walang closure. Nalaman ko na lang... na.. nagpunta siya sa ibang bansa para ituloy yung pangarap niyang maging professional ballet dancer." Yumuko si Kyle. "What hurts the most was.. she left me hanging. She could have told me.. Pero hindi eh. Bigla na lang siyang nawala. Sa iba ko pa nalaman na umalis na siya. I didn't know... what to do.. when she left. Kaya nga ako naging "Ice Prince" eh.. Kasi nung umalis siya.. I distanced myself from other people." 

Nakakalungkot. Yung kambal na 'to... ang daming humahanga sa kanila. Daming nagkakagulo. Pero.. hindi nila alam pareho lang naman silang nasaktan dati at umiiwas sa mga tao ngayon dahil ayaw na nilang masaktan pa.

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon