Chapter 11 [Secret Guardian]

63.5K 1K 114
                                    

Chapter 11

[Secret Guardian]



Hindi ako mapakali habang papunta sa ospital at habang nasa elevator paakyat ng third floor.

Sa totoo lang, naiirita ako na kinakabahan. Bakit? Kasi nag-aalala ako! Parang boy bestfriend ko na yung si Kurt tapos nalaman ko sinugod sa ospital. Sino bang di mag-aalala kung isa sa pinakamalapit mong kaibigan ay naospital?

Sabi ni Kyle, according daw kay Justin, napuruhan si Kurt dun sa laban nila kanina. Gusto kong sermunan si Kurt at lagi na lang siya napapaaway. Gusto kong masiguradong ligtas na siya. Pero sa ngayon, sobrang naiinis at nababagalan ako sa elevator habang paakyat at naiirita ako sa elevator music na ang saya-saya habang nag-aalala ako dito kaya't gustong gusto kong ibato ang elevator na 'to. Hahaha. Geh, parang kaya ko naman.

Napatingin ako kay Kyle, halatang nagpapanic rin siya at di mapakali. Syempre, kambal niya yun eh.

Nung makarating kami sa 3rd floor agad naming hinanap yung room 314, yung kwarto ni Kurt sabi ni Justin.

Nakita namin si Justin na nag-aabang sa labas ng kwarto at mukhang hindi mapakali. Napatingin siya sa direksyon namin pero hindi siya lumapit dahil biglang may lumabas na lalaking mukhang doctor.

Maya-maya lumapit samin si Justin. "uhh.. Kyle.." sabay sulyap sakin. "Kausapin ka daw nung doctor."


"Anong nangyari?" Halata sa boses ni Kyle ang panic habang sinasabi niya yun.

"Uhh.. Yung doctor na lang magsasabi." Tumango si Kyle tapos lumapit doon sa doctor. Naglalakad sila palayo habang nag-uusap at masasabi mong seryoso talaga yung pinag-uusapan nila.

"Yumi, pasok ka sa loob?" pagyaya ni Justin.

Tumango ako at sinundan si Justin papasok sa kwarto na may nakalagay na 314.

Sa loob nung kwarto, nakita ko si Luke na nakaupo sa tabi nung kama habang nakayuko. Nakahiga si Kurt sa hospital bed. Nakakumot siya at yung ulo lang niya yung nakikita.Nakapikit din siya, natutulog ata.

"Anong... nangyari?" Tanong ko kay Justin. Nagulat ata si Luke tapos tumingala siya at lumapit sa amin ni Justin.

"Yumi?" --Luke

"Y-yu... Yumi..." Umiwas ng tingin si Justin. Lalo akong akong kinabahan.

"B-bakit?"

"Ah.. kasi kanina---ow!" Panimula ni Luke kaso bigla siyang siniko ni Justin. "Anak ng tokwa, Justin, bakit ba?!"

Tumingin si Justin ng masama kay Luke tapos tumalikod sakin at hinarap si Luke. "Wag mo siyang biglain."

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon