Chapter 8.2 [A Little Angel]

70.3K 1.1K 49
                                    

Chapter 8.2

[A Little Angel]

 "Hi! Ako nga pala si Arriane Lopez. Pero you can call me Rian :>...


...



..Babysitter ni Justin ^0^"


"EHHHH? Babysitter?!" --ako, Jade at Mia.

O_O Sa laking yan ni Justin may babysitter pa siya?!

"NYAHAHAHAHAHAHA!" --ang ever supportive friends na sina Kurt at Luke.

"Aish! Ba't mo sinabi?!"

"Ang alin? Na babysitter mo ko? E totoo naman eh! Tsaka ba't ka ba sumusigaw??"

"Di ako sumisigaw!"



At nagsimula na po ang World War Three este ang Justin-Rian War. :P

* * * 

"Ako nang bahala sa script."

"Tulungan na kita!"

"Ayos lang ba yun, Prince Kyle?"

"Props ako!"

"Gusto kong magplay na Kristine!"

"Prince Kyle, pwede ka bang maging lead?"


Gulat kayo kung anong meron noh? Haha. 

May play kasi kaming gagawin. About siya sa isang forbidden love. Alam niyo yun, mala Romeo and Juliet effect. Yun yung napunta sa group namin. Sa kabilang group naman ay magbestfriend na secretly inlove sa isa't isa.Tapos ayun, kagroup ko si Kyle tapos nasa kabilang group pareho si Jade at si Kurt. (Pero absent na naman si Kurt. May laban na naman ata sila. Remember, niyaya siya ni Justin kaninang umaga? Gangsters >< )

Nakakaloka nga yung mga kagroup ko lalo na yung mga babae. Bawat gagawin nila pinapaalam kay Kyle. 'Prince Kyle pwede ba akong music director?' 'Gusto kong magplay na nanay! okay lang ba, Prince Kyle?' Susme. Kulang na lang sabihin din nila, 'Prince Kyle, pwede ba ako huminga?' 'Prince Kyle pwede ba akong dumilat?' Jusko. Ngayon ko lang narealize kung gaano talaga kaadik ang mga babae kay Kyle (at siguro kay Kurt?)

"Yumi, pwede ka bang maging head ng props?" Ayun! May nakapansin din sakin. Kala ko wala ng papansin sakin eh. Tapos mukha pa siyang mabait ^^

"Sure!"

"Then, ikaw na bahala dito." Tapos nagsmirk siya at inabot sakin ang isang napakahabaaaang listahan. "Bilhin mo lahat yan at kailangan na siya bukas para makapagstart na tayo. Eto nga pala yung contribution ng lahat" sabay bigay nung pera na nakolekta kanina.

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon