[47] Venice' Birthday Part 2

143K 3.3K 1.9K
                                    

Chapter 47

Hope’s POV

         Lumabas kami nina Chelsea at Venice. Paglabas namin yung mga boys nagagawa ng bonfire tapos nakita naming inaasar nila si Miks. Tungkol ata sa pagiging lalaki niya. Nangunguna si Mico na pinapahawakan ang abs niya, test daw kay Miks. Napahawak na lang ako sa ulo ko, namiss ko yung ganito. Yung walang gulo, walang pagkaawkward, barkada lang.

Ito ang mahirap kapag nainlove ka sa kabarkada eh, maapektuhan talaga ang barkada niyo kapag may nangyari sa inyo. Masaya kasi parehas lang kayo ng friends, pero kapag nagaway o nagbreak, kanya kanyang side na yung barkada, kaya pati yung barkada mahahati.

Tinulak ako ni Chelsea at Venice, ibig sabihin kausapin ko si Miks o si Mico. Pasaway talaga ‘tong dalawang ‘to, pero masaya ako kasi may nakakausap na ako, may nakakaintindi sa akin.

Kaya lumapit ako kay Miks. Nabigla siya sa paglapit ko sa kanya.

“Hi.” Sabi ko, nakita ko namang namula siya.

“Hi.” Sabi niya. Ang lalaki ng boses niya, ang seryoso niya. Tanda niyo ba noong naglaro siya ng football laban sa Section A dati? Ganoon siya ngayon. Ang gwapo. Wow. Turn ko namang magblush.

Naupo kami sa sand, sa may tabi ng bonfire malapit sa dagat. Walang lumalapit sa amin, siguro nasabihan na ni Chelsea at ni Venice na maguusap kami.

“Kamusta ka na?” tanong niya.

“Ito, namiss ka.” Sabi ko sakanya tapos bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong namula at mga 5 seconds pa bago ko maibalik yung yakap niya. Ang bango ni Miks.

Noong inalis niya ang yakap niya nagkatitigan lang kami tapos sabay kaming tumingin sa magkabilang direksyon.

“Hope/Miks.” Sabay naming sinabi at napatingin na naman kami sa magkabilang direksyon. Bakit ganito?! Bakit ako nahihiya kay Miks? I mean.. Michael.

Pero ako ang unang lumapit, sige na ako na mauuna.

“Ako na mauuna. Miks o Michael, hindi ko alam ang itatawag ko sa’yo, at kung paano kita itratrato pero bago ang lahat gusto kong magsorry sa ginawa ko noong nagconfess ka. Sobrang heartbroken lang ako noon at sobrang gulo ng isip ko na akala ko ginawa mo lang yun kasi naaawa ka na sa akin at pagod ka ng makinig sa akin at sa mga pagiyak ko kaya sinabi mong… mahal mo ako. Pero, naexplain na sa akin ni Chelsea at sorry kasi mali ako. Sorry.”

Ngumiti lang siya sa akin, nakakainis bakit ang gwapo ni Michael?! Ano ba ‘to?

“Sorry din ah? Kung wrong timing yun. Kung napagulo ko pa yung isip mo, pero ako din kasi naguguluhan pa rin eh. Hindi ko alam kung paano ‘to makakaapekto sa akin, sa’yo, sa atin. Matagal ko na talagang iniisip ‘to. Na baka frustrated lang ako kasi nagkalovelife na si Chelsea noong mga panahon na yun, nagkaroon siya ng Bryle, ikaw naman nagiging close na kay Mico at Enzo tapos ako naiiwan magisa. Pero kahit ideny ko sa sarili ko wala eh, mas nakakafrustrate lang kasi… Kasi may nararamdaman talaga ako sa’yo.”

Nakatango siya habang sinasabi yun, hindi siya makatingin sa akin. Pinipigilan kong matawa kasi alam kong hiyang hiya siya, pero noong medyo sumilip siya sa akin para tingnan ang reaction ko, namula ako. Nakakainis, seryoso bang ganitong kagwapo si Miks? I mean… Alam kong gwapo na siya noon pero…

“Kapag magkasama tayo gusto lang kitang asarin, gusto ko nandiyan ka lang sa tabi ko. Kahit hindi mo nakikitang boyfriend material ako, ayos lang. Kahit bestfriendzoned ako, okay lang. Basta wag ka ng umiwas sa akin please. Basta iacknowledge mo yung feelings ko. Basta wag kang lalayo sa akin, Hope. Please. Dito ka lang sa tabi ko, okay na ako. Kahit hindi mo ako mahalin okay lang. Basta wag mo na akong iwasan, basta walang magbago. Kasi mas nasasaktan ako kasi namimiss na kita. Bruha ka.”

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon