[41] Confessions.

225K 4.4K 4.4K
                                    

Hi guys! Announcement lang. First, gusto ko magsorry kasi alam kong super tagal ng update! Second, gusto ko magthank you kasi naghihintay pa rin kayo. Third, maglalaw school na po ako and magstastart na ako sa May 26. Sa orientation namin, 20-25 cases per class ang dapat basahin, isang subject lang yun. So, kakainin talaga ng law school lahat ng oras ko. 5 hours of sleep nga daw ang average for law students, but anyway... Right now, hindi ko alam kung kailan ko matatapos ang 100STHH o kung paano ko tatapusin kasi sobrang walang oras, pero ittry ko. Nakikiusap lang po ako na intindihin ako and maging patient sa pagbabasa. Isa lang naman ang promise ko, papagandahin ko ang story na 'to. PROMISE ;) 

**

Chapter 41

Hope’s POV

“Let’s do this.”

Kasama ko ngayon si Venice at Bryle. Papunta kami ngayon sa bahay ni Mico para pilitin siyang pumasok, kumain at bumalik sa tamang katinuan niya. Hindi namin lahat alam kung anong problema niya dahil wala naman siyang kinakausap sa amin. Si Tita hindi pa alam lahat ‘to dahil kapag nalaman niya malalagot si Mico. Kahit ayos na sila, siguradong magagalit si Tita kapag nalaman niyang ganito si Mico.  

Pagpasok namin ganoon pa rin ang kwarto ni Mico, mas magulo lang. Si Mico nakahiga sa kama niya. Naliligo ba ‘to?! Sabagay mukha pa rin siyang mabango.

“Mico, wake up!” Ginising ni Venice si Mico kaso pagmulat ni Mico at ng makita niyang si Venice nagtakip lang siya ng unan.

“Bro, what’s happening to you? What’s going on? Tell us. We’re all worried about you.” Sinabi naman ni Bryle na naupo sa gilid ng kama.

“Mico, please. Don’t do this to yourself. Go to school na please. You’re missing a lot.” Hahawakan sana ni Venice si Mico para alisin yung unan sa mukha niya pero noong hinigit niya tinulak siya ni Mico. Kami ni Bryle napatayo bigla.

“BRO ANO BA?! SI VENICE YAN! Don’t you dare lay a hand on my girl, you hear me? Not Venice!” Sigaw ni Bryle habang tinutulungang tumayo si Venice at chinecheck kung may masakit ba. Okay kinilig ako.

“Can you all freaking shut up?! Who are you to tell me what to do?! Can you just leave me alone?! I’m sick of all of you!” Sigaw ni Mico tapos binato niya yung desk lamp sa tabi niya. Shocks! Ang ganda pa naman noon tapos binato niya. Rich kid problems. Wait, Hope ano ba! Umayos ka nga!

“WHAT’S YOUR PROBLEM LOYOLA?! We’re here because we’re worried and you’re acting like we don’t have any right to care.” Nabubuo na yung tension kay Bryle at Mico.

“Pakialam mo ba bro? Unahin mo na lang yang pambababae mo.”

*BOOOG*

Natigil kaming lahat.

Sinuntok ni Bryle si Mico. Ngayon dumudugo yung medyo putok na labi ni Mico. Sinamaan ng tingin ni Mico si Bryle at sinuntok din niya pabalik. Oh my god! Nagbalikan lang sila ng suntok doon. Ang lakas. Tama na. Tama na.

“TAMA NA! ANO BA KAYO?!”

Tumigil naman yung dalawa pagkasigaw ko. Inis na inis na ako. Hindi ganito ang Tres Gwapitos na nakilala at hinangaan ko. Hindi.

“Sa tingin niyo ba malulutas niyo yang problema na ‘to sa pagsusuntukan?! Tumigil na nga kayo. Hindi ganito ang Tres Gwapitos na kilala ko. Bryle tigilan mo na yan alam mong hindi sagot ang pagsusuntukan. At ikaw naman Mico Loyola, ano bang problema mo? Ilang linggo ka na ha. Sawang sawa na ako sa pagiinarte mo. Kunin mo yung towel, maligo ka at pagkatapos bumaba ka para kumain. Kuha mo?!”

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon