[43] The PLANNER

179K 3.9K 2K
                                    

Chapter 43

Hope’s POV

Nagsimula na ang sembreak naming noong kabilang linggo pa. Dati excited na excited ako kapag ganito kasi walang pasok pero ngayon ayoko na kasi hindi ko palaging makikita si Enzo. Pero okay lang kasi ngayong araw naman nagyaya siya na lumabas kami. Yehey! Date, date, date!

Bukod doon, malapit na ang pasko! December 23 na ngayon!

From: Enzo Gutierrez

Hope, I’m outside your house.

Oh, bakit hindi na lang pumasok ‘to?

Bumaba na ako sa kwarto ko at nagpaalam kay Ate at Lola na lalabas lang kami ni Enzo. Busy naman silang magluto ng kung ano ano at maghanda na para sa pasko eh. Si Ate naman kachat si Daddy at Mommy, hindi ko sure kung uuwi sila ngayong pasko. Siguro?

Paglabas ko, nakita kong nakawhite na pants, red shirt at gwapong gwapo si Enzo. Hope, ang swerte mo talaga. Saan ka pa makakakuha ng ganyan?

“Enzo!” Noong makita niya ako, ngumiti siya tapos nilapitan ako.

“You look so pretty.” Pretty na naman. Kailan ba niya sasabihin yung ‘Beautiful’? Pero chochoosy pa ba ako? Ako na nga daw ang pretty eh!

“Ah, ikaw rin.” Sabi ko habang nagblublush.

“I look pretty?” Sabi niya na natatawa tawa pa. Mas mahinhin pa siya sa akin. Ang gentle ni Enzo. Kaya ko siyang titigan buong buhay ko.

“Ang ibig kong sabihin… Gwapo ka! Ay naku, tara na nga! Saan ba tayo pupunta?”

“Where do you wanna go? Anywhere you wanna go I’m fine.” Aba himala, ako ang magdedecide ng gagawin at pupuntahan namin ngayon ah! Iba ‘to ah.

“Di ako sanay na ako ang nagdedecide ng gagawin natin! Pero, ano ba? Hmm, gusto mong manuod ng sine?”

“Movie? Okay. Anong movie?”

“The fault in our stars! Please! Gusto ko yun.” Bigla namang kumunot ang noo niya.

“I don’t want to watch that. Any other movie? Edge of Tomorrow?” Err, wag na lang. Manonosebleed lang ako doon.

“Maleficent kaya?” suggest ko.

“I don’t like Disney.”

“ANO? Sinong may ayaw sa Disney?! Okay ka lang?”

“Disney gives the wrong notion to people. Their stories always say that there are happy endings. In real life, there isn’t. We all die. That’s our ending. No forever.”

“Alam mo ikaw, forever ang nega mo. Pero kaya nga bagay tayo eh, yin yang tayo.” Tapos ngumiti siya tapos namula. Uy? Totoo ba yun?

“Namiss kita, Hope.” Sinabi niya ng medyo mabagal habang nakatitig ng sobra sa mata ko. Gusto ko maiyak kasi nafeel ko yung sincerity tsaka kasi… Miss ko na rin si Enzo. Si Enzo na hindi puro Eula. Si Enzo na akin. Buti naman nandito na ulit siya.

“Uy, gusto mo marinig yung kinompose ko na kanta?” sabi ko sa kanya.

“Sure. You sing? Wow. That’s my girl.” Tapos medyo inakbayan niya ako tapos kinilig ako.

“Sige, bukas na lang. Pupunta ako sa bahay mo kasi diba kumpleto ka doon? Yung mga music player?”

“Sure. Pasok ka na lang sa bahay if you want.” Oo naman. Feeling ko akin yun eh. Feeling may ari ako doon eh.

Nagdrive yung driver niya papunta sa Rockwell. Noong makarating kami sa loob. Grabe naman ang bango naman ng mall na ‘to! Pumunta kami sa sinehan at bumili ng ticket. No choice siya kaya The Fault In Our Stars ang papanuorin naming dalawa. May 15 minutes pa kami kaya bumaba muna kami para bumili ng pagkain. Noong nagiikot ikot kami sa mall.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon