[62] #100STHHTheOtherSideOfHim

69.6K 1.9K 310
                                    

Chapter 62

Hope's POV

"Hi, Hope. You might be wondering why I'm here. I'm Enzo's doctor."

"Pero po... Guidance counselor kayo... paanong?"

"Yeah. Mrs. Gutierrez asked me to look out for Enzo sa Girlinlove University (G.U) first year pa lang kayo, kaya nagapply ako as Guidance Counselor. Besides, Psychology naman ang undergraduate ko noong college so pwede naman. Minsan nga lang, wala ako sa office kasi nasa hospital ako kaya usually nagbibigay ako ng task every year na alam mo namang may meaning. Last time na inatake si Enzo sa St. Luke's wala ako doon kaya hindi ako nakapagsabi na ako yung doctor niya. Ngayon naman humabol ako sa trip ni Enzo just to make sure na okay ang condition niya bago sa plan niyang activities niyo for tomorrow." Napanganga na lang talaga ako. Akala ko pa man din si Enzo ang binigyan niya ng task, yun pala doctor siya ni Enzo.

"I saw you crying. I also heard Enzo shout. Siguro ayaw niyang makita mo yung process."

"Process? Ano pong process?"

"I mean, yung everyday na ginagawa sa kanya. Enzo has to take a lot of medicine, and everyday may injection siya para sa sakit niya. Kailangan mapabagal namin ang pagbuo ng fats sa puso niya para hindi 'to magfail, and we've been doing that since... I don't know, since bata pa si Enzo. Pero siyempre, as he gets older, mas dumadami yung medication kasi mas lumalala din yung ARVD niya."

"Pero... pero bakit ayaw niyang makita ko? Eh iinom lang naman ng gamot tapos injection lang naman." Nginitian niya ako, pero yung ngiting parang nagsasabi na wag kong baliwalain yung mga yun.

"Well, hindi nga yung paginom ng gamot or injection... it's the effect."

"Effect po?" Tapos nginitian na naman niya ako. Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko sa mga ngiti niya eh. Parang... naawa ba siya sa akin o naiinis kasi ang dami kong tanong?

"Usually, after turukan si Enzo sumasakit yung buong katawan niya. It's the effect of the medicine. Minsan sumisigaw siya, nagwawala kapag hindi na niya kaya yung sakit. Minsan naman baliktad, minsan halos hindi namin siya makausap, minsan nakatulala lang. Tapos sasakit na yung ulo niya tapos magsusuka na siya, o minsan magwawala kasi sobrang sakit ng buong katawan niya pero biglang manghihina kasi mahihirapan yung puso niya."

Oh my god. Napatakip na lang ako ng bibig ko at derederetso lang yung luha sa mata ko. Kaya pala ayaw niyang makita. Natatakot siya na baka hindi ko kayanin lahat yun.

"This is a side of Enzo na kami lang ang nakakaalam. Even his friends, hindi alam 'to. Kaya I understand him. He doesn't want anyone to know na may ganitong side siya. And I can't blame him, he didn't choose this to happen to him. Alam kong pagod na pagod na si Enzo. Minsan kahit sobrang sakit ng katawan niya, wala siyang reaction, ayun nga nakatulala. He's suppressing the pain. Pero minsan, nagwawala talaga siya. Kaya I understand if ayaw ka niya sa loob."

"Pero... Pero gusto ko pong nandoon ako para sakanya." Tinitigan lang niya ako.

"Kaya mo ba? Hindi mo ba siya iiwasan kapag nakita mo? Hindi ka ba susuko kapag nakita mo siyang ganoon? Kasi ito ang totoong side ni Enzo at ng sakit niya. He's fighting. Baka hindi pa lang nagsisink in sa'yo yung lahat lahat, pero kapag nakita mo yung struggle niya, kakayanin mo ba?"

Napahinga naman ako ng malalim. Napaisip. Tao lang ako. Bata pa. Alam kong matatakot ako. Kakayanin ko ba? Hindi ko ba siya susukuan? Hindi ba ako matatakot to the point na igigive up ko siya? Sapat ba yung pagmamahal ko para lumaban kasabay si Enzo?

Pero nainis lang ako sa sarili ko na nagdadalawang isip ako.

Kung si Enzo nga, na nararamdaman talaga yung sakit, lumalaban. Ako pa kaya? Eh ang gagawin ko lang naman maging matatag, samahan siya para maramdaman niyang hindi siya nagiisa. Gaano ba kalungkot yung sobrang araw araw pala ang sakit sakit ng katawan mo, nanghihina ka pero kailangan mong palabasin sa lahat na malakas ka, na parang wala lang. Gaano kasakit at kalungkot yun na wala kang masabihan ng lahat?

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon