[20] MVP ang Section F!

467K 3.4K 1K
                                    

Chapter 20

Hope's POV

Pagkising ko ng madaling araw tinext ko si Kuya Driver ni Mico. (Yep kinuha ko ang number niya).

Pagdating niya sa bahay pinabigay ko sa kanya yung breakfast na niluto ni lola para kay Mico. Kinuwento ko kay Ate at Lola ang nangyari at yun, nagpadala sila ng gamot kay Mico. Effective daw yun. 

Ako naman papasok na ng school ngayon. Awarding ngayon ng mga nanalong sections sa Intrams. Sa halos lahat ng sport second place lang kami sa Section A. Except sa Basketball kasi champion kami dahil kay Miks. And speaking of Miks. 

"Oh! Anong nangyari sa'yo? For the first time parang ikaw ang nirape at hindi ikaw ang nangrape!" bati ko kay Miks na hingal na hingal pagdating sa room namin. 

"Imbyerna buong umaga ko! Parang ayoko ng umapak sa loob ng classroom." sabi ni Miks.

"Bakit? Ano bang nangyari?!" tanong ni Chelsea. 

"Teh, hinahabol ako ng mga girls!!!" takot na takot na sinabi ni Miks! Muntik ko na mabuga yung iniinom ko dahil sa sinabi niya. 

"Kakaiba kang bakla ka! Bakit ka ganyan?! Ikaw na nga hinahabol eh!"

"Buti sana kung Tres Gwapitos ang nanghahabol kaso hindi eh! Tres Chanaks, Tres Chakas at Tres- Passers ang mga fez! Ay naku! Malayo pa ang halloween iniimbyerna na nila akiz ng ganitey! Naku naku naku!" sabay flip ng buhok. Baklang bakla ang lola mo. 

"Teka nga pala Hope, anong nangyari kay Mico?" tanong ni Chelsea. 

"Naku mataas kasi ang lagnat niya--"

"OH MY BETSA BY GOLLY WOW! Ang aking Papa Mico madedead na?!"

"DEAD AGAD?! Ano ka ba Miks! Mataas na lagnat lang! Tapos ayun, inalagaan ko siya kahapon."

"Uy kayo ha :"> Diyan nagsisimula yan."

"Di rin. Kulang na lang magkabingihan kami sa kasisigaw saisa't isa." 

"Suuus. Pero infairness bakit ikaw ang tinawagan niya kesa si Venice o si Enzo at Bryle?"

"Actually iniisip ko din yan pero pag tinanong ko baka naman sabihin niya feeler ako."

"Bakit ate hindi ba?!" tanong ni Miks! Sarcastic talaga 'tong bruhang to kainis! :| 

"Che! Pero pinadalhan namin siya nina Lola ng gamot at pagkain so siguro naman bubuti na pakiramdam noon." 

"Sana nga." sagot ni Chelsea. "Oh siya kailangan na nating magpunta sa gym. Tara na." 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon