[59.2] #100STHHTheKaribal

67.1K 1.9K 357
                                    

Chapter 59. 2

Hope's POV 

Noong dumating na Lunes, pagpasok ko sa school nakita kong nagkukumpulan ang estudyante sa may ilalim ng centennial tree. Hindi ko na sana papansinin kaso biglang may tumawag sa akin at pagtingin ko... si Enzo pala yung pinagkakaguluhan.

"Okay ka na ba Enzo? Nagalala kami noong nahimatay ka."

"Natanggap mo ba yung flowers na pinadala namin sa hospital?"

"Sana okay ka na! I love you!"

Ayan ang sabi ng mga malalanding babae na nakapaligid kay Enzo. Si Enzo naman nakangiti lang at sinasabing okay na siya. Pagtingin ko sa gilid ni Enzo may mga gift pa. Aba naman! Habang naglalakad ako papalapit sa kanya ang sama ng tingin ko sa mga babae. Sinamaan din nila ako ng tingin. Aba! Pareparehas lang tayong nagfafangirl kay Enzo no! Mas lamang ako kasi ako... MAHAL AKO HAHAHA In your face!

"Good Morning, Hope." Sabi niya. At noong sinabi niya yun nagroll eyes sa akin ang mga babae tapos unti unti silang umalis. Tama! Magmomoment muna kami dito!

"Good morning. Kamusta? Kailan ka nakaalis ng hospital?"

"Yesterday. I'm feeling good. I saw you na eh." Ang landi! Saan galing yung pagkacheesy na yun!? Nakangiti pa ng sobra. Natatawa ako na ewan kasi parang hindi si Enzo.

"Ghad, it feels so good to tell you that na walang tinatago. Last time that we were together, I don't feel comfortable saying those things kasi feeling ko I'm being unfair sa'yo eh." Sabi niya. Nabasa ba niya isip ko at sinagot niya yung tanong ko?! Kaya pala. Dati kapag magiging sweet siya maguguilty siya na iiwan naman niya ako kaya wag na lang.

Tinitigan niya ako tapos inayos niya yung full bangs ko. Hindi ko naman mapigilang hindi mamula.

"I want to start over with you, and this time I really wanna do it right." Napangiti na lang ako.

"GOOD MORNING!" Ay kabayo! Ano ba naman! Biglang may sumigaw sa may likod namin. Pagtingin ko si Mico pala!

"Anong ginagawa mo rito?!"Sigaw ko sa kanya. At bakit kay aga aga naninira ka ng moment ng may moment?!

"Isn't this my school too?" masungit na sagot niya sabay lumapit kay Gutierrez.

"Gutz, let's go?" Aya niya. Tumayo naman si Enzo.

"Let's go saan?" Tanong k okay Mico.

"Ugh, classroom? Duh?" Bakit ganito 'to!? At bakit niya kinukuha si Enzo!

"Kami kaya ang sabay Mico!" Sagot ko.

"Hindi naman kayo classmates. FYI, Section F ka, doon ka sa dulo. Kami ang sabay. Shoo." Aba't! Tinulak ko nga siya.

"Ano ka! Nauna ako dito! Enzo, sinong gusto mong kasabay?!" Tulak ko pa ulit kay Mico.

"Oo nga Gutz?! SINO?!" Tulak niya pabalik.

Napakamot na lang si Enzo. Sa huli sabay sabay kaming naglakad papunta sa classroom. Si Enzo sa gitna.

Noong mga sumunod na araw. Si Mico inaagawan pa rin ako sa atensyon ni Enzo, ganoon pa rin ang nangyari pero nadagdagan! Tuwing lunch kasama namin si Mico. Tuwing dismissal aayain niya sa bahay nila si Enzo o kaya sa bahay ni Enzo sasama siya! Ako? Wala! Iwan! Tuwing gabi tatawagan na lang ako ni Enzo pero sinasabi ko na wag siyang magpupuyat kasi baka masama yun. Sinisigurado kong maximum niya 11:00PM! Lumalabas na kinakalaban ako ni Mico sa attention ni Enzo! Everytime magkasama kami ni Enzo, kabuntot din namin siya!

At naku, wag niyong isipin na dahil sa akin dahil hindi talaga kasi lagi siyang nakabuntot kay Enzo! Parang batang kapatid na idol na idol yung kuya niya!

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon