[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!

474K 3.3K 436
                                    

[7C]

HOPE'S POV

"Uy aaah. Fan mo kaya ako! Ikaw bias ko sa Tres Gwapitos, alam mo yan!"

"Really?"

"Oo ano! Hello! Puro kaya picture mo ang nakadisplay sa kwarto---"

O/////O Napahawak ako bigla sa bibig ko! AYAN NA NGA BA! Nadulas na ako! Minsan talaga pati ako naniniwala na sa iba na engot ako.

"You have my picture in your bedroom?"

"HUH! MAY SINABI BA AKO! Wala kaya! Ikaw! Porket gwapo ka bingi ka. Ay ano daw? Hay naku!"

Naglakad ako pauna. Pulang pula ako! Ansabeh ni Elmo sa kulay ko! >///< 

Pauwi na sana ako ng napansin kong.. 

-___-" Ba't kasunod ko pa rin si Enzo? Pagtingin ko sakanya bigla na naman siyang ngumiti! 

ANO BANG BALAK NIYA? Yung tipong himatayin ako sa kilig at atakihin sa puso sa bilis ng tibok nito?! 

Aynako! Mahirap din pala yung ganito! Nakakatense! Naiihi na nga ako! 

"Oy, Enzo."

"Yup?"

"Saan ka ba uuwi!"

"U.N remember?"

"Huh?"

"LRT? Aren't you living in U.N? Coz before you--"

AY OMAYGHAD! Yung sa LRT dati! Naliligaw kasi ako noon!!! Paano ko sasabihin!

"Ah! Ano, sa Quirino lang ako! Nakalampas ako noon eh! Kasi.. Inaantok ako noon. Hehehe."

"Really? Well then.. Sabay na ikaw sa akin uwi."

"Nako, mas nosebleed pa ang tagalog mo kesa sa English mo eh. Pero.. Akala ko may sundo ka?"

"I told him to not to go to school anymore because I want to commute."

"Aah! Nakasakay ka na sa Jeep?"

"Nope! Can we ride that.. Ugh.. Jeep?"

"OO NAMAN!! Tara!"

Tapos naglakad kami papunta doon sa pila ng jeep! Kwentuhan lang kami.. Kung paano sila naging magbebestfriend ganun. 

"Oh yun na yung sakayan. Bale.. Mauuna lang ako ng onting bumaba sayo okay?"

"Oka--OH SHT."

"BAKIT?!"

"THAT MAN STOLE MY WALLET!!"

"Huh--OMYGHAAAD!!! YUNG BAG KO DIN PALA!"

"You didn't feel that?!"

PAANO KO MARARAMDAMAN NAKAFOCUS AKO SAYO!!! Kanina pa! Kahit nga ata kagatin ako ng aso di ko mapapansin kasi sayo lang ang atensyon ko.

"HOPE!"

Ay sorry! Tulala! 

"OMYGASH!! Tara habulin natin! HOY MAGNANAKAW!!!! TIGIL!! Hoy!!"

Tapos hinabol namin siya. Andaming taong nakatingin sa amin, yung iba nakihabol na din doon sa lalaki. Pero wala eh!! Lumusot sa eskinita. 

"*pant pant*"

"Are. You. Okay?"

"Oo naman. Pagod lang! Eh ikaw?"

"I'm fine. What's inside your bag? Is there something important there?"

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon