[25] Miss Red Umbrella <3

421K 3.2K 571
                                    

Chapter 25 

Hope's POV 

Nandito ako ngayon sa school. Magisa! Oo magisa.

Si Miks mukhang nagtatampo pa rin sa akin. Iniiwasan niya ako at kahit anong lapit at suyo ko sa kanya galit pa rin siya.

Si Mico naman pag makikita ako laging nagmamadali! Tapos laging may football practice. Ewan ko ba doon!

Si Enzo naman nasa ibang bansa daw kasi binibisita niya family niya.

Si Venice madaming ginagawa.

Si Chelsea naman ngayong week palang babalik sa school.

Si Bryle?? Si Bryle lang ang palaging nanggugulo. 

Isang linggo na siyang magloloko kung pwede daw ba niya akong ligawan at isang linggo ko na din siyang sinasabihan na hindi pwede. Ang kulit kulit talaga noon!! 

And speaking of Bryle..

"LOVEEE!" Tapos kumakaway kaway pa siyang lumalapit sa akin. 

"Hindi ka pwedeng manligaw." 

"Grabe ka naman! Ikaw na pinakamahirap na ligawan na babae! Hindi ka ba naattract sa akin?"

"Hindi."

"Promise?"

"Oo."

"Sure na?"

"Oo nga."

"Final answer?"

"Oo nga! Hindi kita gusto!!!" 

"Kung ganoon... Ilakad mo naman ako sa magandang babaeng yun."

Kita mo na! Playboy talaga.

"Ilakad. Eh di ikaw. Psh."

"KITAMS! Selos ka ano!! Wala kayang babae!"

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon