[4B] Nosebleed. Literally.

534K 3.7K 333
                                    

OMG OMG. Nagreply si Ate Bianca sa tweet ko. Fan girl! SDTG Forever. Anyway, enjoy the update!! <3

Chapter 4B

Hope's POV

"Ay naku. I'm sorry for that Hope, ganun talaga kasi yang si Mico. Bunso kasi namin yan. Spoiled sa amin yan. Kaya matigas ang ulo, pero mabait talaga yan."

Naku, baka sa iba. Hindi ko nakikitang mabait yun sa akin.

"Leggo V." sabi ni Bryle.

"Bye Hope! ^___^V Thank you for hanging out with us! Till next time."

Tapos bineso niya ako at umalis na sila. Si Miks naman, tahimik.

"Uyyy! Problema mo? Statue ang drama sa gilid?!"

"Geel. Ngayon lang nagsink in sa akin! Nakalunch natin sila!" 

"Sira!" sabi ko sabay batok sakanya. 

Pabalik na kami sa room dahil magtitime na. Pero nagexcuse ako na pupunta sa banyo. Ang totoo niyan, tiningnan ko yung pinaphotocopy ko na planner ni Enzo. Ano ba gagawin niya ngayon?!

**Greet someone you don't know.

**Offer someone help.

**Join an Organization


Dami niyang gagawin--AHA! Natulungan ko siya doon sa isa! Join an Org pala! E di sa outdoor club! Kahit labag sa loob niya! At least ginagawa niya yung list ni Ms. Bisbal. 

"HOPE!"

"Ay hope!! Ano ba Chelsea?!"

"Nabalitaan ko na nakipaglunch daw kayo ni Mico sa Tres Gwapitos! At kay Venice? Anong potion ang pinainom mo?!"

"Sabi naman sayo friends kami ni Venice! Ininvite ako! Pinilit ako ni Miks na sumama siya! At good news para sayo! Yung outdoor club na pinilit kong sumali ka? Sasali si Bryle!"

"ANO?! SERYOSO BA YAN?! PAANO--I mean.. Ahem. Ah? Talaga?" 

Natawa naman ako doon, tinago pa talaga yung pagkakilig. Ito talaga. Conservative much!

"Oo! Si Venice nagpilit. Kasali nga din si Enzo ko! :">"

"Oh?! Eh si Mico?"

"Wala. Winalkoutan nga sina Venice eh. Ayaw sumali."

"Ay. Anong sabi ni Miks?"

"Malamang hindi pa nagsisink in sa utak nun yun. Kinikilig pa sa paglulunch namin eh."

"Naks naman! E di ang swerte mo?!" 

"Suuus! Tinatanong pa ba yun?! Tara na nga! Ganado akong magklase ngayon!"

Pumasok kami sa room, enjoy na enjoy ako sa mga subjects ko, nagtataka nga ang lahat dahil nakikinig at nakakasagot ako. Di ko tuloy alam kung matutuwa ba ako doon o maiinsulto. Ngayon, favorite subject ko na. English.

Nagdiscuss si Ms. Tapos nakinig ako. Kailangan kong mag-aral ng English! Kailangan kong kausapin si Enzo! 

Noong nagclaclass kami. Manghang mangha sa akin ang mga classmate ko at pati si Ms. Inigo kasi nga sagot ako ng sagot! Inspired na kasi ako! Noong matapos ang class..

Miks: Girl! Tara?

Ako: Leggo! Uwian--

Ms. Inigo: HEEEP. Hindi ka pa uuwi Miss Yazon.

Ako: PO?! Bakit po?! 

Tapos lumapit siya sa amin. Si Miks nagfly na! Tingnan mo yun! Taksil talaga forever! 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon