[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!

475K 3.3K 472
                                    

[11B]

HOPE'S POV

Bumalik na kami sa classroom. Nagtataka yung Venzo Loveteam kung bakit ang lapad ng ngiti ni Mico at kung bakit namumutla ako. Wag na nilang itanong.

"Are you okay, Hope?" alalang tinanong ni Venice. 

"Ah. Oo. Para lang kasing simula ngayon ang hirap ng mga gagawin ko."

"Why? Don't worry I'll help you."

"YOU CAN'T HELP HER." Biglang singit ni Mico. Siyempre hindi niya ako matutulungan. 

"And why not? Are you being mean na naman?"

"No I'm not!"

"And why don't you want me to help Hope?"

"Kasi..." Sige nga anong idadahilan nitong bully na 'to

"Kasi?"

"Kasi.. She won't be able to learn if you help her. Kailangan niya gawin mga tasks niya. Hindi ba?!"

Sht. Nakalimutan kong matalino 'to. Tingnan mo kumindat pa sa akin! Lakas talaga mangasar!! 

"Well, Mico has a point.." 

"Okay lang, Venice. Isa pa.. Mukhang hindi mo din ako matutulungan eh." 

"Why not?"

"EWAN KO RIN. Hindi ko alam kung anong mangyayari." sabay tigin ko ng masama kay Mico, siya naman nag grin lang. 

"Hope. How are your subjects?" tanong sa akin ni Enzo. Namula naman yung buong mukha ko. Sasagot na sana ako kaso pag tingin ko kay Mico.. Nakakainis!! Nageenjoy siyang asarin ako. 

"Okay lang--" 

"Tinuruan ko yang mabuti, Gutierrez! Diba Hope??" 

NAKAKAIRITA! Tinotorture ako ni Mico!! So wala na akong nagawa kung hindi umoo. Maya maya tumabi na sa amin si Bryle. Oh, anong nangyari? Balita ko dapat nagtututor sila at hindi nagkekwentuhan? To talagang barkada na 'to hindi mapaghiwalay.

"Yo, Love! What's up?" sabay tabi sa akin. Love na naman! -_- 

"Mmm, tinuturuan ako ni Mico?" 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon