[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos

402K 3.6K 1.1K
                                    

Sorry late update, been obsessing about Jeron lately eh. Thank you sa mga bumati ng #HappyBirthdayGirlinlove :) Thank you din sa pagpapatrend ng mga #JAERON related stuffs! :) 

Sa mga hindi makarelate read my FIRST EVER (and maybe the last) Fan Fiction:

 http://www.wattpad.com/28486432-jade-%2B-jeron-jaeron-fan-fiction-1-meeting-the

______________________________________

Chapter 29 

Hope's POV

Sobrang malungkot ako ngayon. Si Miks at Chelsea parehas galit at umiiwas sa akin. In fact, hindi nila ako kinakausap sa room at kapag may groupings hindi nila ako pinapasali. 

Si Mico sa di malamang dahilan ay sobrang iwas din sa akin. Hindi ko maintindihan ang kutong lupang yun. Minsan ang clingy niya minsan ang distant. 

Si Enzo at Venice naman hindi pa rin mapaghiwalay. Nasabi sa akin ni Bryle na nagusap na sila ni Venice. Handa daw siyang maghintay, pero.. Ewan! Ang labo ng dalawa. Magkasama pa rin si Enzo at Venice, hindi ko alam kung may nagiba ba. 

"Love ano ka ba! Noong isang araw ko pa hindi nakikita yang ngipin mo. Except when you're eating."

"Kadiri ka naman, Bryle." 

"Bakit? Totoo naman ah! You're too sulky! Come on cheer up."

"Paano po kaya ako magchicheer up. Galit sa akin yung dalawang bestfriend ko :("

"Kiss kita gusto mo?"

"Utot mo! Layuan mo nga ako."

Araw araw si Bryle Ortega ang kasama ko. Thankfully nandiyan siya. Alam siguro niya ang sitwasyon ko. Well, of course alam niya! Kasalanan niya 'to! Hahaha! 

Sinusundo niya ako pag recess, lunch at break. Sinasama niya ako sa basketball practice niya. Friends na nga kami ng mga varsity player eh. At hindi niya ako iniiwan magisa. 

Lagi lang siya nangaasar, pero dahil doon super close na kaming dalawa. Alam kong alam niya na thankful ako sakanya. Sa kanya na din ako nagoopen ng lahat lahat. Actually, alam na niya lahat. 

Nadala ko na din siya kina Lola at Ate and guess what? Siyempre nagustuhan siya ni Lola at Ate. Ladies man kaya 'tong si Bryle! Magaling mambola! 

"I'm bored. Girlfriend na kita ha?" Tapos bigla niya akong hinolding hands. 

"Loko ka! Bitawan mo nga ako." Tapos inalis ko yung kamay niya. 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon