[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.

443K 3.4K 792
                                    

Chapter 22

Hope's POV 

"HURRY UP SLOW POKE!" sigaw sa akin ni Mico na gwapong gwapo sa loob ng kotse niya. Wag na siyang magsalita okay na! 

Mabilis akong lumapit sa kotse niya, siya naman..

"TATAYO KA NA LANG DIYAN?! GET IN!"

Nagmadali akong pumasok sa kotse! Ano ba? Nagmamadali? May hinahabol? Kakainis! 

Pagkasakay na pagkasakay ko pinatakbo niya ng mabilis ang kotse, sobrang bilis napahawak na ako sa may taas na sabitan.

"Where's your house?"

Ano daw?!

"WHERE?!" 

"DUMERETSO KA TAPOS LIKO SA KANAN TAPOS YUNG SUBDIVISION DOON!"

"BAKIT KA SUMISIGAW?!"

"MASTER KITA HINDI BA?! GINAGAYA LANG KITA!"

"AAAAAH!" 

"AAAAH" *tumingin ng masama sa akin* "KA DIN. hehehe." 

Nagkaron ng awkward silence, kulang na lang katukin kami ng kwago at mag 'kroo kroo'.

"Hoy."

Ay hoy! Ano ba yan! Kakagulat! Bipolar talaga nito!

"Hoy ka din. Bakit?"

"Saan bahay mo?"

Napatingin ako sa paligid, subdivision na pala namin. Tinuro ko sa kanya tapos hinatid lang niya ako.

ANO BA?! Pinaalis niya ako sa dinner namin ni Enzo dahil ihahatid niya ako sa bahay ko?!

Sa may tapat ng bahay namin, bababa na sana ako kaso..

"Ipagpapaalam kita ah."

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon