[64] #100STHHOneBigFIGHT

81.6K 1.9K 672
                                    

Chapter 64

Hope's POV

Lumipas ang ilang linggo pagkatapos naming umuwi galing Cebu. Nasa school lang kami para sa mga clearance, aayusin mga entrance exam forms at practice para sa graduation namin. Biruin mo yun, ilang araw na lang... tapos na kami sa high school. Kahit limang taon ang high school sa Girlinlove University. Sulit na sulit naman yun. Lalo na ngayong huling taon ko. Nakakalungkot lang isipin na masyado ko ng nakasanayan 'tong school na 'to na parang naging routine ko na ang chismisan sa umaga, recess, lunch at gala sa dismissal. Tapos sa ilang araw na natitira, gragraduate na kami. Maghihiwahiwalay na kami.

Si Enzo walang inayos na form para sa mga entrance exam. Sabi kasi niya, pagkatapos ng high school titigil daw muna siya para sa mga tests na gagawin sa puso niya. Ayaw na din niya munang magaral kasi... kasi alam niyo na. Noong sinasabi niya yun lahat kami halos humina din ang puso naming lahat pero nakangiti si Enzo at alam naming lumalaban pa siya kaya anong karapatan naming maggive up?

Ngayon magkakasama kaming lahat. Nandito lang sa may ilalim ng centennial tree. Lahat tahimik hanggang sa mapabuntong hininga si Venice.

"We're graduating. This is it." Panimula niya. Mukhang lahat kami nagmumuni muni tungkol sa nalalapit na graduation ah. Napatingin kami sa isa't isa. Lahat malungkot.

"Congratulations, Hope. Hindi ka uulit." Pangaasar ni Mico. Piningot ko nga siya.

"Before we go all senti about it, let's not forget about the Tres Gwapitos' Day." Biglang sinabi ni Bryle. Ang dami naman nilang day!

"Tres Gwapitos' Day?" Tanong ni Chelsea.

"Anniversary nila yun. Yan yung araw na nagkakilakilala silang tatlo." Explain ni Venice samin na hindi nakakagets.

"Yup. This year, I planned something for us." Biglang sinabi ni Enzo. Lahat kami napa 'huh?' tapos ngumiti lang siya. "I... I don't want all of you to be sad, but... we'll never know. Hindi natin alam if last year na nating magcecelebrate ng anniversary natin kaya naghanda na ako ng sobra para sa atin."

"Where are we going Enzo?" tanong ni Venice bago pa lahat kami eh mapatahimik sa mga sinasabi ni Enzo.

"I know this place, it's where my mom and dad got married. Resort siya na nakalocate sa isang hill. Sa baba, nandon yung mga pool and yung resort mismo. Kapag inakyat mo naman yung hill, puro garden na doon, punong puno ng mga bulaklak at halaman. Sa pinakataas nandoon yung church. Doon kinasal ang mom and dad ko. Sa likod ng church may stairs tapos tanda ko noong bumalik kami doon para binyagan si Renz, bumaba ako sa stairs na yun at nakita ko ata ang pinakamagandang garden sa buong buhay ko. Lahat ng kulay makikita mo, iba't ibang bulaklak ang sasalubong sa'yo. May mga paruparo din na lumilipad. Noong bata ako, gandang ganda ako sa lugar na yun. Para sa akin, yun yung pwedeng ihalintulad sa paraiso."

Habang kinekwento yun ni Enzo, hindi ko mapigilang...

Manosebleed.

Tingnan mo 'tong taong 'to. Kung hindi nagtatagalog, nageenglish. Noong nasanay naman magtagalog, sobrang lalim akala mo makata! Walang average sa kanya eh! Puro extremes! Sala sa init sala sa lamig.

"My mom's friend own that resort and I already contacted her. So, are you guys game? Let's make this anniversary something we'll never forget? Besides, first time nating magcecelebrate kasama ang bagong dagdag sa group. Sina Miks, Chels and Hope. So, first and last?" Tanong niya.

"First na kasama sina Miks, Chels and Hope, pero hindi last. Ipangako mong hindi last." Biglang sabat ni Mico. Napangiti na lang si Enzo tapos tinapik niya yung shoulders ni Mico.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon