[36] Why is there only one Bryle Ortega?

297K 2.9K 752
                                    

Chapter 36

Chelsea's POV

Isa lang ang nararamdaman ko ngayon.

Masakit.

Hindi siya yung tipo ng sakit na kapag gumaling o nilagyan ng gamot mawawala na agad.

Kasi kahit ano atang gamot ang inumin ko.. Hinding hindi mawawala 'tong sakit na nararamdaman ko.

Minsan iniisip ko.. Napaglaruan lang ba ako? Isa lang ba ako sa mga babaeng ginago niya? Nagpauto lang ba ako?

Pero sinabi niyang minahal niya ako. Sinabi niyang iba ako. Linya lang ba niya yun? Sinabi na rin ba niya yun sa iba?

Naramdaman ko namang sincere siya noong kami pa eh. Ganoon ba siya kagaling magpaikot ng damdamin ng babae para pati ako mapapaniwala niya?

Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako mahuhulog, hindi ako maniniwala, hindi ako magpapagago, pero wala eh. Lahat ng katinuan mo, lahat ng akala mo tama, lahat ng alam mong dapat... Lahat mawawala pag nagmahal ka.

Paulit ulit. Ang daming nagsasabi. Pero pag naramdaman mo na, iba pala talaga. Kahit anong pigil mo mahuhulog ka. Kahit anong idahilan mo, susuko ka.

Masakit na ngang maiwan, kailangan pa ba talagang makita ko siyang kasama ang babaeng mahal niya? :(

Hindi ko alam kung paano ang ikikilos ko. Kaibigan siya ni Hope, somehow konektado pa rin kami dahil naging kaibigan ko na rin ang Tres Gwapitos.

Kaya sinasabi kong okay ako. Wala na yun. Tapos na yun. Nakamove on na ako. Pero gabi gabi, umiiyak pa rin ako. Iniisip ko kung ano bang ginawa kong mali. Kung anong nangyari? Ayos naman kami bakit biglang ngayon wala na? Sinasabi kong ayos ako, pero deep inside halos gumuho na ang mundo ko.

"Miks, bili lang ako ng tubig ha." Umoo naman si Miks. Ngumiti ako at lumakad palayo.

Hindi ako bibili ng tubig, lalayo lang ako. Lalayo lang ako kay Venice at Bryle. Lalayo lang ako sa taong mahal ko, at sa mahal niya. Kailangan ko lang sabihin sa sarili ko na tapos na, kailangan kong tanggapin na sila na, na wala ng babalik pa. Kailangan ko lang tanggapin. Kailangan ko lang...

*teardrop*

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang makita silang masaya.

Madamot ba ako? Masama na ba ako? Hindi ko lang talaga kayang makitang may kayakap siyang iba. Hindi ko kayang tanggapin na siya ang saya saya na niya tapos ako ito, halos mabaliw baliw pa rin para sa kanya.

"C-Chelsea?" Napatingin ako sa nagsalita.

"Miks! Sorry, napuwing ako eh. Haha! Sorry." Sinabi ko habang pinupunasan yung mata ko. Naupo siya sa tabi ko..

"Alam mo, hindi mo naman kailangan magsinungaling sa amin na okay ka na eh."

"Ano ka ba, okay ako."

"Kung okay ka bakit ka nandito? Bakit ka umiiyak? At wag mong sabihing napuwing ka dahil gamit na gamit na yang dahilan na yan."

Maloko si Miks, pero kapag seryosong usapan.. Hindi mo mapipigilang hindi maiyak. Kaya umiyak ako. Sa wakas. Umiyak ako sa harap niya.

"Ang sakit sakit pa rin, Miks. Bakit ganoon? Niloko't pinaglaruan lang niya ako pero bakit hanggang ngayon mahal ko pa rin siya? May gamot ba sa pagiging tanga? May gamot ba na magpapamanhid? Paano ba makalimot? Kasi Miks.. Konti na lang. Konting konting na lang talaga, di ko na kaya."

"Baks, kailan ba naging madali mainlove? Sino bang may sabing puro sarap na lang? Kailangan nating masaktan, kailangan nating matuto."

"Pero bakit.. Bakit sa ganitong paraan? Miks, alam mo namang ginawa ko na ang lahat hindi ba?"

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon