[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!

506K 3.6K 776
                                    

CHAPTER 7

HOPE's POV

"OMYGOSH! Totoo ba yan, Hope?"

Tanong sa akin ni Chelsea na kausap ko sa phone. Superunli kasi si bakla. 

"Oo! Kiniss niya ako sa cheeks! >///< Tapos first date daw! Eh hinatid lang naman niya ako."

"HOY HOPE! Kumokota ka na ah! Napaka HARAUGHT mo!!" sabi ni Miks.

"Uy hindi ah! Wala akong plano yun! Isa pa.. Baka ganun lang talaga siya! Playboy eh."

"NAKU! STOP ME! If I know palakpak ang ears mo nung nahalikan ka." sabi ulit ni Miks.

"Oo naman ano! Sino ba namang hindi papalakpak ang tenga doon sabihin mo nga?! Ay naku!"

"Hoy, Chelsea. Nadeads ka na sa jealous sea!" sabi ni Miks.

"Oy baliw. Hindi ah! Nakakatuwa lang malaman na kahit playboy siya mabait din pala siya."

"Korek ka diyan Chels! Ang bait talaga niya. Pinakamabait sa Tres Gwapitos!" 

"Basta ako kay Papa Mico pa din." singit ni Miks.

=__= Mico. How I hate him. Sagad. 

"HOPE! Kakain naaaa!" sigaw ni Ate sa baba.

"Uy friendships, lafang mode na akiz. Latur na lang ulit mga bakla!" tapos nagBabu sila sa akin. Pinatay ko ang phone at dumeretso sa kainan. 

"Hope." bati sa akin ni Ate.

"Oy? Bakit?"

"Upo ka, may sasabihin ako sa inyo ni Lola."

Ano naman kayang announcement to? Umupo kami sa dinner table. Si Ate naman huminga ng malalim at..

"Pupunta dito yung manliligaw ko."

*TAPON TUBIG.*

"ANO?!"

Napapikit na lang siya kasi alam niyang magwawala ako. 

"Kalma lang sis. Oo, may manliligaw ako."

"KELAN PA YAN HA FAITH?!"

"Faith talaga? Kanina ko lang siya pinayagan manligaw."

"HUWAAAAT?! Kanina lang tapos bahay na agad?! Ano to?! Huh? Ano to?! Iexplain mo!"

"Ano ka ba naman! Parang kasal lang ah! Affected ka bunso. Wala lang to. Nanligaw eh. Sabi ko naman kay Lola pag may manliligaw ako, sa inyo muna."

Nagsungit na lang ako. Maganda yang Ate ko. Matalino tapos opposite ko. Hindi yan basta basta nagpapaligaw eh.

Kaya nga.. Kung sino man yung lalaking yun, hindi ako papayag! :| Che siya!

"O apo, anong oras ba siya dadating? Para maipaghanda ko din ng agahan."

Oo! Breakfast! Umaga na. 6AM na. Yung tawagan kanina? Sa umaga kami nagtatawagan eh.. Kasi kapag naputol pwede ideretso sa school. At yung manliligaw ni Ate? Oo! Umaga! Para daw sabay sila sa school! -___-" Possessive agad. Minus points. 

Tinulungan ni Ate magluto si Lola. Ako naman kanina pa nakakunot yung noo. Ayoko sa manliligaw ni Ate. Sa lahat. Hindi ko alam kung bakit. Madamot ako sa Ate ko. Gusto ko yung BEST. 

After 15 minutes..

*ding dong*

Biglang nagmadaling tumakbo si Ate at bago pa buksan ang pinto nagayos muna ng buhok. =___=+ Di ko gusto ito, mukhang gusto niya yung lalaki. 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon