55 #100STHHEulasLetter

88.1K 2.9K 1.1K
                                    

Chapter 55

Hope's POV

February 14, 2015

Saturday

Happy Hearts Day.


Nandito ako ngayon sa St. Luke's. Naghihintay. Nakaupo sa labas ng emergency room. Inatake daw si Enzo. Inatake ng ano? Anong nangyari sa kanya? Asthma? Pagod? Trangkaso?


Si Mico, Venice, Bryle pinuntahan agad ang parents ni Enzo. Ang sabi nila nasa ibang bansa daw kaya kailangan pa nilang ayusin yung paguwi ng parents ni Enzo.


Si Chelsea at Miks naman nagpaiwan sa school, kinuha mga gamit namin at pinakalma yung ibang estudyante.


Ako sumunod sa hospital pero nagpaiwan ako kasi nanghihina ako. Parang hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko macontact si Ate at Lola na nasa hospital. Hindi ko alam kung bakit! Kinakabahan ako na hindi ko alam. Para bang pag lumabas ang doctor ni Enzo parang madedepress ako, pero bakit naman?!


After 10 minutes, dumating si Chelsea at Miks.


"Hope, ano? Kamusta? Nasaan na si Enzo?" Tanong ni Chelsea. Umiling na lang ako. "Wala pa eh. Nasa loob pa rin siya mula noong pinasok siya nina Venice."


Niyakap na lang ako ng dalawa.



"Oo nga pala, kanina bago kami umalis ng gym, pinaabot 'to sa akin noong isang babae." Tapos inabot sa akin ni Miks yung white envelope. May 'Hope Yazon' sa may labas. Ito yung sulat ni Eula tungkol sa akin.


"Paano mo nakuha 'to?!" Gulat kong tanong kay Miks.


"Ewan ko, nakita lang daw noong babae noong Valentine's Ball. Naiwan mo siguro." Tapos chineck ko kung bukas, hindi naman. Buti na lang hindi niya binasa. Hindi ko pa nga nababasa eh.


"Ano yan?" Tanong ni Chelsea.


"Sulat daw ni Eula para sa akin sabi ni Enzo." Sagot ko kay Chelsea. Si Miks naman agad tiningnan si Chelsea, tapos si Chelsea parang nanlumo. Parang iiyak.


"Sulat ni Eula? Sulat ng pinsan ko?" Tapos nakita kong naluha na nga siya.


"Bakit? Alam mo ba 'to? Anong meron dito? Kinakabahan tuloy lalo ako. Ayoko na talagang basahin 'to. Sabi ni Enzo hindi din daw niya alam ang nakasulat." Nagtinginan lang sila.


"Basahin mo na, please. Para kay Eula. Sa tingin ko naman hindi ka susulatan ng pinsan ko matapos ang lahat ng mangyari ng walang dahilan." Sabi ni Chelsea.


Hindi ko alam, pero naluluha na siya. Kaya parang kailangan ko na talaga siyang basahin.


"Sige, babasahin ko na. Pero kinakabahan ako. At mas kakabahan ata ako kung nandito ako sa may labas ng emergency room. Pwede bang lumabas muna ako?" Tumango lang yung dalawa at sinabing sila na lang ang magbabantay doon, tatawagan na lang daw nila ako kung may sasabihin na ang doktor. Kaya naglakad na nga ako papalabas habang nakatitig sa sulat.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon